Kaya ayaw magkaroon ng twitter account Dawn Zulueta, ayaw mairita!

BLIND ITEM: Sino ang guwapong young actor (GYA) na ito na kilalang-kilala rin ng kanyang mga kaibigang artista at hindi na nasa-shock ang mga ito kung ‘yun man ang nakikita nila sa GYA.

Ano ba ‘yon?

“Pa’no kasi, bago ito humarap sa kamera ay may kakaibang ginagawa ito sa harap ng salamin. Ang ginagawa niya:  pinapahiran niya ng merthiolate ang kanyang lips palagi.

Baket, me sugat?

Wala. (Nako, ako rin daw ang sumagot, o!)

Mangyari kasi, kaya niya pinapahiran ng merthiolate, dahil gusto niyang palabasing pinkish ang kanyang lips. At dahil ‘yon ay merthiolate, matagal ‘yon bago mabura.

Pero siyempre, masama ‘yon. Para ‘yon sa sugat, ‘di ba? At ‘yun din ang inilalagay ng mga manikurista sa na-murder nilang kuko o ‘di kaya ay panglagay nila sa gilid ng kuko para kunwari’y pinkish ang kanilang mga nails.

Kaya kung kami kay GYA ay ititigil na namin ang paggamit ng merthiolate bago pa siya paghinalaang metrosexual.

Isang metro na lang, bisexual na.

Chos.

Siya na nga ang may maliwanag na career, kaya ‘wag na niyang udlutin pa, dahil lang sa merthiolate.

 

KUNG ANG iba’y nag-aabang na ng maaanghang na sagutan sa pagitan nina Amalia Fuentes at Annabelle Rama na “ipinangako” ni Ms. Amalia na pagkatapos lang daw ng Holy Week ay ibibigay niya kay Tita Annabelle, meron din namang iba na ayaw nang magkasalpukan pa ang dalawa.

“Parang ano ‘yon? In-observe mo lang ang Holy Week, pero hindi mo naman isinapuso si Kristo?”

Oo nga naman. Sana nga ay ‘wag nang magkagiyerahan ang dalawang beterana, lalo pa’t hindi nga magandang sa edad nilang ‘yan ay ipamamalas pa nila sa kanilang mga apo ang kanilang pag-uugali.

But we can’t help it, sabi nga. Eh, nagkatagpo ang dalawang giyerera eh. What do we expect? Parang Gretchen Barretto ‘yan sa Magkaribal, eh.

“You want war? I’ll give you war!”

Sabi naman ng isang reporter na kahuntahan namin, “Kalokah, na-link din pala si Ms. Fuentes ke Tito Eddie (Gutierrez), ‘no? ‘Pag itinuloy nila ‘yang war na ‘yan, aba eh, ang laki naman ng notes ni Tito Eddie! Hahaha!”

Sabi naman ng isang matandang kakilala namin, “Tama rin ‘yang magkaalaman na kung sino ang mas mataray. ‘Pag hindi nila inilabas ‘yan at kinimkim lang nila ‘yan, baka ika-comatose pa nila ‘yan!”

Well, ang sa amin naman, baka naman kung me pinagsamahang maganda nu’ng araw sina Tita Annabelle at Ms. Amalia eh, ‘yun na lamang ang kanilang isipin para matapos na lang ‘to.

Anyway, wait and see na lang tayo.

 

ANG DAMING nagtatanong kung merong twitter account si Dawn Zulueta. Sana daw ay meron para ma-follow nila.

Tinanong na rin namin si Dawn at ang sabi niya, “Meron akong friend, pinayagan niya akong buksan ko ang twitter account niya para ma-kibalita lang ako.

“‘Pag hindi ko pa take (sa Walang Hanggan), binubuksan ko at nagbabasa ako ng mga tweets. Nakakaaliw. Lalo ka na,” sey sa amin ni Dawn na touched na touched siyempre ang lola n’yo.

Pero ba’t ayaw ba niyang mag-open ng twitter account?

“I chose not to. Kasi, ang dami kong ginagawa. Ayoko ring makabasa ng ikaiirita ko, so ‘wag na lang! Okay na sa akin ‘tong nakikibasa-basa lang!”

Pareho pala sila ni Coco Martin. Ayaw ring mag-open ng twitter. Hanggang BBM lang. “Ayoko, Kuya Ogie. Baka meron akong mabasa na hindi ko gusto, sensitive pa naman ako, eh!”

Well, ano pa nga ba ang masasabi namin, kungdi mag-ina talaga sina Emilia Guidotti at Daniel.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

9 thoughts on “Kaya ayaw magkaroon ng twitter account Dawn Zulueta, ayaw mairita!

  1. ganda talaga niya! well, kahit namn kasi public icon si Ms. Dawn, may private life pa rin siya.. pero as she said, ok na siyang nakikibasa.. so it means, naa-update pa rin siya, and nababasa ung mga tweet ng fans! d po ba?? galing nya sa walang hanggan!!!

  2. @laikabaito, agree ako sa iyo pero sa sariling opinion ko lang naman ung mga nabanggit kong Top 5. Thanks for your comments anyways.

  3. @gayzebel nakalimutan mo si Christine Hermosa and Aiko Melendez, laging kasama sa top 5 ang dalawang ito.

  4. In my opinion lang, Dawn Zulueta is number one in my top lists of beautiful actressess with a touch of class. Second is Luzy Torres Gomez, third is Susan Roces, fourth is Lorna Tolentino, and last but not the least in my list is Agot Isidro. Agree ????

  5. takot si papa coco na mabunyag na juding sya? hahahahaha wag ma-highblood mga coco fans, at baka totoo nga, chismis lang hahahahaha

  6. talot si papa coco na mabunyag na juding sya? hahahahaha wag ma-highblood mga coco fans, at baka totoo nga, chismis lang hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.