Kawatang Tumakas sa Parak, Nadakip na

MAKALIPAS ANG tatlong taong pagtatago sa batas sa kasong Robbery makaraang  takasan ang escort na pulis, nadakip na ng pinasanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Team(CIDT) at ng Community Intellegence Support (CIS) ang kawatan sa Sitio Sampol Talipapa sa Brgy. Bagong Buhay, San Jose del Monte City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Insp. Richard Caballero kay 3rd Criminal Investigation and Detection Unit-3 Regional Chief P/Sr.Supt. Elmo Francisco Sarona, kinilala ang nadakip na suspek na si Erwin Melicor Y Temeripe, nasa hustong gulang, at residente sa nabangit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni P/Insp. Reynaldo Matrin at SPO1 Rogelio Ramos, dakong alas-10 ng gabi nang maaktuhan ang suspek sa munting palengke habang nakikipag-kuwentuhan sa kanyang mga kaibigan.

Nabatid na agad sinunggaban nina CIS Nolilo Madlos at CIS Reden Co-Untian, ang suspek na nagtangka pang tumakas.

Ayon kay SPO1 Macadangdang, armado sila ng Warrant of Arrest mula kay Branch-15 RTC Judge Alexander Tamayo sa kasong Robbery, kung nag-jump bail ang suspek noong 2010.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.