Kawatan, Tiklo Nang Mahulog sa Bintana

SUGATAN ANG isang lalaki matapos mahulog sa bintana ng establisyemento na balak sana nitong pagnakawan sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang nasabing sa-larin na si Mamerto Gurubat ng bayan ng Calabanga.

Inakyat umano ng suspek ang bintana ng isang appliance store ngunit marupok ang nahawakan nitong hollow blocks na naging daan upang tuluyan itong mahulog.

Inamin naman ni Gurubat na plano sana niyang nakawin ang telebisyon sa loob ng establisyimento.

Sa ngayon, nananatili sa himpilan ng pulisya ang paika-ikang suspek na nakatakdang kasuhan ng Attempted Robbery.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.