Kawatan, Huli sa Bitbit na Washing Machine

HINDI NA nakatakbo hanggang madakip ang magnanakaw makaraang makita ng biniktima na bitbit ng una ang kanilang washing machine sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw.

Nakilala ang suspek na si Ernie Generalao, 31, ng Bukid Area, Tabon, Malaria ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Dixie Gatchalian, 35 at kalugar ng biktima, alas-12:30 ng madaling-araw nang makita niya ang suspek sa loob ng kanilang bahay na bitbit ang kanilang washing machine.

Hindi binitawan ng suspek ang bitbit at tinangkang tumakas subalit nakorner ng mga kapitbahay bago dinala sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.