Kawatan Dedo sa Engkwentro

PATAY ANG ISANG hinihinalang miyembro ng highway robbery group makaraang maka- engkwentro ang pulisya sa Kawit, Cavite kamalawa ng gabi.

Sa ulat ni Maj. Mamerto Malubay, hepe ng Kawit Police, alas-7:30 ng gabi nang masukol sa follow-up operation ng pulisya ang sinabing kawatan.

Gayunman, ayon kay Mamerto, nanlaban ang lalaki at nauna pang nagpaputok laban sa kanila.

Bago ang operasyon, apat na lalaki ang nangholdap sa isang pampasaherong bus na may rutang Zapote- Naic noong Miyerkules ng hapon.

Sinasabing sinipa palabas ng mga kawatan ang konduktor dahilan para mamatay ito nang masagasaan ng dumarating na sasakyan.

Dito nagsagawa ng dragnet operations ang pulisya hanggang masukol at napatay na ang hindi pa nakikilalang holdaper habang tinutugis pa ang tatlo nitong kasamahan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.