Kauna-unahang Kaso Vs Political Dynasty, Dininig ng Comelec

GINANAP KAMAKAILAN ang pagdinig ng Comelec second division sa kauna-unahang kaso ng political dynasty na inihain para sa mga local candidates sa nalalapit na eleksyon.

Kabilang sa mga pinatatanggal bilang kandidato sina Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte, Dennis Pineda ng Pampanga, Miguel at Rep. Luis Villafuerte ng Camarines Sur, pati na ang magkapatid na sina Rep. Rexlon at Mayor Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City.

Base sa 36-pahinang petisyon na inihain ng grupong Anti-Dynasty Movement (AnDayaMo), iginiit ng grupo na nais nilang ibasura ng poll body ang kandidatura ng mga local politician bilang panimula ng kanilang kampanya laban sa mga dinastiya sa bansa.

Hawak nina Commissioners Elias Yusoph at Grace Padaca ang nabanggit na kaso.

Hindi naman humarap nang personal ang ilan sa mga pinadidiskwalipikang kandidato at sa halip ay nagpadala lamang sila ng kani-lang mga kinatawan.

Samantala, tiniyak naman ng poll body ang mabilis na resolusyon sa  naturang reklamo.

Kaugnay nito, isang hiwalay na grupo ang nagdaos ng kilos protesta sa labas ng Palacio del Gobernador (Comelec office) upang ihayag ang kanilang pagtutol sa usapin pa rin ng political dynasty.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.