Kaugnay sa ‘wheelchair joke’ Banat ng Kampo ni GMA, Ayaw Patulan ng Palasyo

AYAW PATULAN ng Palasyo ang banat ng kampo ni dating pa-ngulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa “wheelchair joke” ni Pangulong Noynoy Aquino sa New Zealand kamakailan.
Sa pahayaga ni Atty. Ferdinand Topacio, abo-gado ni Ginang Arroyo, na hindi dapat ginawang katawa-tawa ni P-Noy ang kalagayan ni CGMA dahil dumaranas umano ng sakit ang huli.
Ihinayaga naman ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda na hindi sila magbibigay ng komento hinggil sa banat ni Topacio.
Nauna nang sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, na hindi dapat ikainsulto ng mga may kapansanan o persons with disability ang biro ng Pangulo sa Filipino community sa New Zealand, dahil hindi raw si P-Noy ang nagkatha nito, bukod pa sa nais lang daw ng Pangulo na pasayahin ang mga Pinoy na nandoon.
(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.