Katya Santos, nakatakda nang manganak

ANY MONUMENT pala ay maaari nang manganak sa unang pagkakataon ang dating child star at Viva Hotbabe na si Katya Santos.

Ikinasal na si Katya sa ama ng kanyang magiging anak na si Anton delos Reyes na non-showbiz, dahil gamit na nito ang apelyido ng huli sa kanyang facebook account.

Tala ang ipapangalan ng dalawa sa kanilang first baby, na malamang ay girl dahil na rin sa name nito.

Nagpa-pictorial pa recently sina Katya at Anton ng half-naked na kita ang tiyan ng una sa dating aktres na photographer na ngayon na si Rachel Lobangco.

To Katya and Anton, congratulations in advance s inyong bundle of joy na si Baby Tala!

 

NAGANDAHAN KAMI sa international film na Metro Manila na idinirek ng British director na si Sean Ellis na OSCAR and BAFTA nominated nang mapanood namin ito last Tuesday night sa imbistasyon ng CAPTIVE Cinema.

Mahusay ang pagkaganap ng mga artista sa pelikula na sina Jake Macapagal, Althea Vega at John Arcilla.

Ang ganda rin ng mga shots ng pelikula, lalo ang mga kuha sa Banaue Rice Terraces kung saan nag-umpisa ang mga eksena.

Makapigil-hininga rin ang ilang mga eksena sa Metro Manila na ginawaran ng Audience Award: World Cinema Dramatic 2013 sa Sundance Film Festival at ipapalabas dito sa atin sa October.

 

Willie Revillame, agad na sumaklolo sa naaksidenteng tauhan

 

NATUWA NAMAN kami nang malaman namin na malaking halaga raw, ang itinulong ni Willie Revillame sa asawa ng kanyang long-time friend na si Karen Martinez nang mabaril ito sa P. Guevarra Street sa San Juan isang umaga kamakailan lang ng riding-in-tandem na nagtangkang habluting ang kanyang hawak na cellphone.

Nanakbo raw ang asawa ni Karen na si Louie, na matagal na ring kaibigan ni Willie at ngayon, isa na raw sa mga security nito, palayo sa dalawang lalaking nakasakay sa iisang motorsiklo nang naghinala ito na hahablutin ng dalawa ang kanyang gamit na cellphone, kaya binaril daw ito ng tatlong beses.

Nakabalik pa raw si Louie na kapatid ng dating artistang si Benedict Aquino para sabihin sa kanyang pamilya na binaril siya. Agad naman siyang naisugod sa Cardinal Santos Medical Center sa Wilson St., San Juan.

Dumating daw agad doon si Willie at nangakong sasagutin ang lahat ng gastusin.

Nag-down daw agad ang host ng Wowowillie ng P50 thousand sa ospital.

Kahit malapit na kaibigan ng mag-asawang Karen at Louie, nahihiya pa rin silang iasa ang lahat sa TV host, kaya humingi pa rin ng tulong ang una sa ilan naming kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Pero nang makausap namin ang secretary ni Willie na si Ate Tess Mationg, na ilang beses na ring tinulungan ng una nang maoperahan dalawang beses ang apo ng huli, sinabi nito sa amin na totoong nangako ang kontrobersyal at bigating TV host na aakuin niya ang lahat-lahat ng magagastos sa pagpapagamot kay Louie.

Bukod sa downpayment na P50K ay nagbigay rin daw ng P250 thousand si willie, ayon kay Ate Tess.

Kung magkano raw ang sinasabi ni Karen sa kanya (Ate Tess) na kailangang bayaran sa ospital ay ipinaparating nito kay Willie at ipinagkakaloob naman daw ng TV host at aktor, dagdag pa ni Ate Tess.

Sa ngayon ay nakalabas na ng ospital si Louie at kasalukuyang nagpapagaling sa kanila.

Sa dami pa rin na blessings na natatangap ni Willie sa buhay niya, nawa’y patuloy siyang makatulong nang malaki, hindi lamang sa mga malalapit niyang kaibigan o tauhan, gano’n din sana sa mga ordinaryong taong lumalapit sa kanya.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

3 thoughts on “Katya Santos, nakatakda nang manganak

  1. sa wakas manganganak na rin ang porn star na yan hahaha! ang swerte ng babaeng yan kasi nakasex nyan si wendell ramos! ano kaytang lasa ng burat ni wendell?

  2. Hay nako, ang mga pinoy nga naman, kung anong makita sa mga Hollywood stars ay di pwedeng di gagayahin. Si Demi Moore lang naman ang nag-umpisang nagpakuha ng half naked na kita ang malaking tiyan (buntis), marami ng gumaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.