Tanda Ba News?: Katya Santos: katakam-takam ‘gang sukdulan

Nang magdalaga ang bata, ang mga Adan ng ‘Pinas, talo pa ang namatanda. ‘Yan lang naman ang gayuma ng alindog ni Katrina Santos o Katya Santos ng Pinoy showbiz.

Ipinanganak si Katya noong February 2, 1982. Nagsimula siya sa Ang TV hanggang makasali sa comedy sitcom na Oki Doki Doc.

Luminya siya bilang seryosong aktres sa telebisyon nang gumanap siya bilang kontrabida sa TV series na Anna Karenina. Sabi nga ni Katya, mas nakilala siya rito ng madla. Take note, nawala na lang sa show ang mga kasabayan niya, naiwan pa rin siyang namemeste sa buhay ng mga bida.

Nang mauso ang mga sexy films, isa si Katya sa mga artistang nakitang may potensiyal para maging sexy actress. Bukod kasi sa magandang mukha at galing sa akting, pinagpala rin ang kanyang sexy body-booty-licious, ‘no!

True enough, 2003 nang sukdulang matulala ang madla sa daring at sexy movie n’yang Sukdulan. Tapos, nag-join din siya sa sexy group na Viva Hotbabes. Nag-record ang grupo nila ng ilang albums like Bulaklak, Kikay at Basketbol.

Alam n’yo ba na bago ang daring roles na ito na nagsimula nu’ng mag-bente siya, tatlong movie offers muna ang tinanggihan ni Katya? Oo, ‘no! Nandiyan ang Tatarin at Balahibong Pusa na napunta kay Rica Peralejo, at ang lead role sa Scorpio Nights II na napunta naman kay Joyce Jimenez.

At ‘eto pa ang trivia, graduate siya ng Business Administration sa International Academy of Management and Economics. Alam niya kasing hindi naman siya forever sa showbiz, ‘no! Kaya kahit walang show, raket ever siya sa kanyang negosyo.

Click to enlarge.

by Mayin de los Santos

loading...

One thought on “Tanda Ba News?: Katya Santos: katakam-takam ‘gang sukdulan

  1. oo nga, dinayo ko pa sa sinehan yan Sukdulan na yan. ang LAKI! kaso lawlaw… saka tabain sya talaga. sana maalagaan nya ang katawan nya hanggang pagtanda. cute pa rin ang face nya, parang ang TV pa rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.