Katuparan ng pangako; Malolos City Hall, Itatayo na!

SA IKALAWANG termino, dama na ang katuparan ng pangarap at pangakong kaunlaran sa pagpapatayo ng bagong city hall ng Malolos na may limang palapag at nagkakahalaga ng P284 milyon para sa bagong Malolenyo na magsisilbing tatak ng isang uma-asensong lungsod.

Sa katatapos na oath-taking ceremony para sa ikalawang termino, ipinagmalaki ni Malolos City Mayor Christian “Agila” Natividad ang pagpapagawa ng bagong city hall at bagong pamilihang bayan, mga proyektong magbibigay-ningning para sa bagong Malolos.

Sinabi ni Natividad na ang may 5-storey at 1,500 square meter na floor area ay itatayo sa Bgy. Bulihan na may 8,000 square meter na laki ng lupa.

Kasama na itatayo rito ang People’s Park, isang pasyalan para sa mga bata, fitness gym, PNP station, BJMP at opisina nd DepEd.

Kasabay ng mga proyektong ito, idinagdag pa ni Natividad ang pagpapagawa ng mga foot bridges at ng isang intermodal central terminal.

Kasama rin sa ipinagmalaki ni Natividad ang papasok ng mga investor sa lungsod tulad ng matatapos na mall ng Robinsons, pagpasasok ng Ayala at SM at ang pinakabago ay ang Star Mall.

Ipinahayag din ng ama ng lungsod na mas lalo pa nitong pag-iiba-yuhin at pagsisikapang umunlad ang Malolos sa tulong ng kanyang mga kasamang maglilingkod at dito rin aniya dapat na madama ng taong bayan na mahalaga sila walang mayaman at mahirap,  dapat ay pantay pantay ang paki-kitungo at pagtingin sa lahat ng mamamayan .

Kasamang nanumpa para sa ikalawang termino ni Natividad ang kanyang vice mayor na si Bebong Gatchalian kay Associate Justice ng Supreme Court na si Diosdado Peralta.

Nanunumpa naman ng pagsunod sa inilaang tungkulin kay Natividad ang sampung nanalong konsehal na sina Jong Ople, Len Pineda, Toots Bautista, Noel Azada, Butch Caluag, Alma Gatchalian at Rico Capule, Didis Domingo, Teddy Natividad at  Vince Cruz.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Natividad  sa lahat ng sumuporta sa Team Agila mula kampanyahan hanggang sa pagsusulong ng adhikaing progreso ng Malolos. Aniya, kundi dahil sa matatapang na Malolenyo, hindi magkakaroon ng panibagong mukha ang takbo ng pamamahala sa Malolos.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.