Katulong, patay sa saksak ng among sabog sa droga

ISANG KATULONG SA bahay ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang among lalaki nang mapagkamalan ng huli na ang kanyang katulong ay kawangis ni “Satanas”.

Ang biktima na namatay sa sanhi ng mga tama ng saksak ng butcher’s knife sa iba’t ibang parte ng katawan ay si Maria Rose Pelorina, 42, may asawa, katulong sa bahay ng kanyang among suspek.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan PNP ang suspek na nakilalang si Ernin Ortiz, 39, may-asawa at residente ng # 131 Libis Asistio St. ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng Caloocan Police, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Bago maganap ang insidente, bangag umanong dumating ang suspek sa kanyang bahay at kaagad na hinanap ang biktima habang hawak ang butcher’s knife na may habang walong pulgada, hindi pa kabilang ang puluhan ng nasabing kutsilyo.

Paglapit ng katulong sa kanyang amo, kaagad na pinag-uundayan ng saksak ang katulong sa iba’t ibang parte ng katawan at pagkatapos ay hindi man lamang nagtangkang tumakas.

Pagdating ng mga rumespondeng pulis, kusa namang sumuko ang suspek pati na ang ginamit na patalim sa krimen ay isinuko rin nito.

Nang tanungin ang suspek kung bakit niya pinatay ang kanyang katulong, kaagad na tinuran nito, “si Satanas daw ang lumapit sa kanya kaya niya ginawa ‘yun.”

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.