Katrina, sobrang sikat, wala namang trabaho!

HINDI LANG SEX video scandal ang mainit na pinag-uusapan ngayon sa showbiz kundi itong kasong isinampa ni Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler at ang reklamo ng isang menor de edad na babae laban kay Aljur Abrenica.

Ang latest naman ngayon, ang away ng mag-inang Anabelle Rama at Ruffa Gutierrez na umabot sa paglalayas.

Kaya papansinin pa ba ang mga patutsada ng isang “has been” na Rosanna Roces? Naku, ‘day! May pabelat-belat pa siya nang hiningan ito ng mensahe para sa amin ni Vicki Belo.

‘Di ba dapat ang sarili niya ang pagbelatan dahil nasaan na ba siya ngayon? Sa kangkungan? Kaya pinipigilan ko na talaga na sagutin ang “has been” na iyan dahil wala naman, eh! Wala namang nagkainteres na panoorin at pakinggan ang mga sinabi niya.

Kaya huli na itong pagkomento ko tungkol sa kanya dahil hindi naman kapatul-patol. Sayang ang panahon, sayang ang espasyo sa column ko dahil sino pa ba ang interesado sa kanya? Belat!

UNTI-UNTI NA NGANG nagkaroon ng liwanag itong kasong ipinaglalaban ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho, dahil isasampa na ito ngayon sa DOJ.

Ang tanong ng karamihan, hanggang kailan ganyan si Katrina? Kailangan naman niyang kumita dahil malaki na ang nagagastos niya sa kasong ito kahit marami naman ang tumutulong.

Ngayong linggo, darating na si Wilma Galvante galing sa ilang linggong bakasyon sa Amerika.Pag-uusapan na raw kung ano ang ibibigay na proyekto ng GMA 7 para kay Katrina.

Sabi naman ng abugado nito na si Atty. Raymund Palad, malapit na raw makabalik uli sa trabaho si Katrina dahil matagal daw ang trauma na pinagdaanan nito ngayon dahil sa eskandalong kinasangkutan niya.

Ngayong linggo, pag-uusapan na kung ano ang proyektong gagawin ni Katrina at baka nga matuloy na itong Angela Markado na matagal nang napabalitang ibibigay talaga kay Katrina.

Kung itutuloy nga ng GMA 7 ang proyektong ito, bagay na bagay ito kay Katrina dahil sa eskandalong kinasangkutan niya.

Tiyak na makaka-relate diyan si Katrina at bonggang-bonggang emote siya sa role na dating ginampanan ni Hilda Koronel.

Sana nga magkaroon na ng trabaho si Katrina para makabalik naman siya nang tuluyan. Sabi nga ng mga bakla: “Sobrang sikat nga ngayon si Katrina, wala namang trabaho!”

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Katrina, sobrang sikat, wala namang trabaho!

  1. Ang dapat kay Katrina Halili eh pumunta dito sa States at mag join sa Vivid… sigurado akong pipilahan siya at dollars pa ang kikitain niya he he heh

    Kung gusto niya ako pa ang mag manage sa kanya! Ihehelera ko siya dito sa Hollywood Blvd siguradong talbog yung mga street hookers dito bwa ha ha haa

    CALL ME! kahit ikaw Lolit Solis pwede ka rin…. pang kaskas ng kabayo ko heeeee haaaaaa!!!

  2. Dapat magka pRoject na sya ng kumita na si Lolit Solis haha. Napaka dumi ni Katrina Halili. Ahas sya at masahol pa sa bayarang babae. Ganyang mga babae ang nagpapaBaBa Sa mga pinay. Kahihiyan siya.Dapat umalis na sya s showbiz.

  3. Ms. Lolit Kahit na “has been” si Rosanna may asim pa din di tulad mo. At least si rosanna marunong manindigan di katulad mo. Pera pera lang ang labanan sayo. Last Sunday sabi mo sa startalk sinisira Kredibilidad mo kaya inilalabas ang recording ng pag uusap nyo. I don’t think na nilabas yun para siraan ka. In the first place wala ng sisirain sayo. WASAK ka na. Isa pa tama lang ilabas yun kasi kilala nila bunganga mo na mapag imbento. Di bat kaya mo panindigan ang isang “kasinungalingan” hanggang kamatayan? If you recall noon sa manilafest pinandigan mo to death na walang dayaan naganap at hinamon mo pa si Lim. E kaso pinatulan ka ni Mayor Lim noon kaya ano napala mo? Buking pati mga alaga mo nawalan ng work. Pati Kay Sam at Piolo you swore na totoong nakita mo sila pero lumabas ang totoo at makukulong ka. Buti pinatawad ka nila. Ngayon eto kana naman? Maawa ka sa sarili mo. Sayang ka. You have the guts na ipaglaban ang kahit sino sana lang sa matuwid. Don’t worry the world may hate you, God is not. He loves you. Just repent and turn to him. He will restore you and make you whole again.

Leave a Reply

Your email address will not be published.