Katrina Paula, sangkot sa carnapping?!

NAKAKALOKA ANG EPISODE namin sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, kung saan guestnamin sina Karen delos Reyes at ang alamat ng rock na si Pepe Smith.

Natsismis kasi sila kamakailan lang na tila may relasyon dahil sa nakikitang closeness nila nu’ng mag-guest sila Asar Talo.

Nakita pa raw silang magka-holding hands sa studio kaya parang namalisyahan ang closeness nila.

Kaya kinlaro na nilang dalawa sa Startalk na hindi ‘yun totoo, kundi talagang close lang silang dalawa dahil kaibigan ni Karen ang anak ni Pepe.

Sa totoo lang, ewan ko kung papatulan nga iyan ni Karen na halos lolo na niya itong si Pepe.

Mariing pinabulaanan na nga nila ang intrigang ‘yun. Pero ang nakakaloka, itong si Pepe na kung anu-ano’ng pinagsasabi.

Sa sobrang kadaldalan niya, muntik nang nahulog ang pustiso niya. Mabuti na lang nakatapat ang mic sa bibig niya kaya nu’ng bumagsak ang pustiso niya, nasalo agad ng hawak niyang mic.

Nagulo ang lahat sa studio at ang dami ngang nag-text na mga manonood na hindi raw nila kinaya si Pepe.

Hindi naman apektado si Karen sa intrigang nali-link siya kay Pepe, dahil alam naman daw ng pamilya niya at malalapit na kaibigan na hindi siya aabot sa ganu’n.

Napakataray pa naman nitong si Karen at totoo namang magsalita. Kaya kung talagang merong namagitan, hindi iyan magsisinungaling, at kaya niyang panindigan kung ano man ang desisyon niya.

HUMARAP PALA SI Katrina Paula sa media nu’ng kamakalawa ng hapon kasama ang abogado niyang si Atty. Raymund Palad para pabulaanan ang lumabas na balitang nagtatago ito dahil sangkot siya sa kasong carnapping.

Nilinaw ng dating sexy actress na hindi siya sangkot sa kasong ‘yun at higit sa lahat, hindi niya karelasyon ang taong kinasuhan ng carnapping.

Pareho lang daw silang nakatira sa isang condo pero hindi raw sila magkasama kundi magkapitbahay lang talaga. Kilala raw niya ito at kaibigan, pero walang namagitan daw sa kanila. May mga litrato raw na nakitang magkasama sila pero hindi ibig sabihin, sila na.

Dagdag na paliwanag pa ni Katrina, wala raw nakitang hot car sa condo na tinitirhan niya. Kaya apektado raw siya nang husto sa balitang ‘yun dahil damay pati ang pamilya niya at mga anak.

Hindi na nga raw lumalabas ang mga anak niya at hindi na sila nag-aaral dahil nasasabihan daw silang anak sila ng carnapper. Kaya humingi na ito ng tulong kay Atty. Palad para malinis naman daw ang pangalan niya.

Sabi naman ni Atty. Palad, hinihintay na lang daw nila ang kasong isasampa kay Katrina para sagutin nila ito.

Bongga nga si Atty. Palad, ang hilig sa Katrina, huh! ‘Di ba siya nga ang sikat na abogado ni Katrina Halili?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Katrina Paula, sangkot sa carnapping?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.