Katrina Paula, pinawalang-sala!

IPINAGMALAKI NG SEXY actress na si Katrina Paula ang pagkakabasura sa kasong isinampa sa kanya ng Criminal Investigation and Detetion Group (CIDG) na carnapping with homicide.

Kahapon ay nakapanayam ng Pinoy Parazzi si Katrina nang dalawin niya ang kanyang boyfriend na si Raymond Dominguez sa PNP Detention Center Sa Camp Crame upang ipaalam ang good news.

“Dismiss na po ‘yung kaso, kaya naman I’m so happy at isi-share ko kay Raymond ang good news,” ani Katrina.

Itinanggi rin ng aktres na siya’y nagtago partikular noong kainitan ng Censil-Evangelista murder case gayung wala naman aniyang dahilan para gawin niya ito dahil sa paninindigang siya ay inosente.

Giit pa ni Katrina na inosente siya sa mga ibinintang sa kanya at hindi rin siya nagtago.

“Hindi naman po ako nagtago, at wala naman po akong dapat itago. Alam mo ‘yung sobrang inosente po ako sa pinaparatang nila sa akin. Kasi ‘yung sa akin, bigla na lang silang nag-accuse sa akin, dati ginawa nila akong wanted may P500,000 reward. Sobrang ano, sobrang nakakainis, sobrang nakakainis, hindi po ako sanay sa ganoon. Kasi, kung hindi kawalan sa kanila, mag-public apology sila, at tatanggapin ko po nang buong puso, kung ayaw nila, wala rin akong magagawa,” ayon pa sa aktres.

Lubha rin aniya siyang naapektuhan sa mga naging hakbang ng mga awtoridad na humantong pa sa pagpapalabas ng reward money kapalit ng pagkakahuli sa kanya. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

7 thoughts on “Katrina Paula, pinawalang-sala!

Leave a Reply

Your email address will not be published.