Katrina Paula, naglulubid ng kuwento?

KUNG SI KATRINA Paula (yes, the former bold star who never made it) ang tatanungin, aniya, hindi niya ganoon kakilala nang lubusan si Raymond Dominguez, ang pamosong carnapping suspect. Pero nagkaanak siya rito.

Based on that premise, I would assume na limitado lang talaga ang nalalaman ni Katrina tungkol kay Raymond, pero bakit ang lovelife nito most specially his alleged liaison with Rejoice Rivera ay alam ng dating bold star?

“Hindi naging nobya ni Raymond si Rejoice,” deklara ng hitad, gayong ang mismong ina na ng pinaslang na Baywalk Bodies member ang pinagpaalaman umano ni Rejoice na makikipagtagpo kay Raymond days before her lifeless body was found at the NLEX on December 29, 2010.

Ano ‘yun? Walang idea si Katrina sa “trabaho” ni Raymond, pero kabisado niya ang lovelife nito? And to think that she even bore a child by Raymond, yet there are certain aspects in Raymond’s life na nakaalpas sa kaalaman ng hitad?

Anong credibility meron si Katrina para paniwalaan siya ngayon, when she flatly denied (last quarter ‘yon ng nakaraang taon at an awards night) her affair with an unnamed guy na sangkot umano sa carnapping? Ang naturang pagtangging ‘yon ay utos na rin daw ng kanyang abogado. Teka, if we are to “timeline” it, Katrina’s denial was made prior to the raid on Raymond’s condo unit in Mandaluyong City in November 2010.

Paanong mismong ang abogado niya ang nag-utos ng pagtangging ‘yon at an awards night, when Katrina’s name had not cropped up yet? At nu’ng raid lang nakaladkad ang kanyang pangalan by virtue of her picture taken with Raymond as recovered by the raiding team?

SPEAKING OF REJOICE, ang kanyang masalimuot na buhay ang tampok ngayong gabi sa Star Confessions ng TV5.

Diane Santos in real life, Rejoice belonged to Lito de Guzman’s Baywalk Bodies group. Lampas mid-December noong isang taon nang magpaalam daw ito, as related by her mother Mrs. Nieves Santos, na katatagpuin ang kanyang umano’y nobyong si Raymond Dominguez.

During her days of disappearance, pinaghahanap siya ng kanyang pamilya: sa mga ospital, bahay ng mga kaibigan, mga himpilan ng pulisya, but only to end their painstaking search nang matagpuan nga ang bangkay ni Rejoice sa gilid ng NLEX (North Luzon Expressway) noong December 29 na may dalawang tama ng baril sa ulo.

More than a month since her death, dalangin ni Ginang Nieves na makamit ang hustisya para sa pinaslang na anak at papanagutin ang tunay na salarin sa kaso.

Sa kuwento ng pagbabalik-tanaw ni Ginang Nieves umiikot ang matutunghayan n’yo mamayang gabi sa Star Confessions pagkatapos ng Willing-Willie. Si Carla Humphries ang gaganap bilang Rejoice sa programang buong husay na inilalahad ng kaibigang Cristy Fermin.

MAY CLOUD OF doubt man ang ibinunyag nang relasyon nina Piolo Pascual at KC Concepcion, now that it’s made public, let the two waltz to their love tune.

After all, ang “mantra” dapat ng bawat isa sa atin, whatever makes you happy, go for it. And that includes a partner of your choice, so sa mga nang-iintriga, tumataas ang kilay, hindi matanggap, naaalangan at nag-aalinla-ngan, it’s Piolo and KC’s life, not yours!

To Piolo and KC, may you build a relationship that withstands even the worst and nastiest of intrigues. While these external factors are inevitable, hold on to each other. Nothing can be stronger than your belief that you can rise above all this in the name of love.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

2 thoughts on “Katrina Paula, naglulubid ng kuwento?

  1. Itong si Katrina Paula e medyo makakalimutin lang ng konti. Hindi naman sinungaling. Hindi lang tutoo ang sinasabi. Hindi raw niya kilala ng husto itong si Raymond DomingueZ, that's a load o' sh.t. I bet na kahit na ang pagiging bastardo ni Raymond at Roger e alam niya. Na pati ang biyenan niyang hilaw na si Nanay Betty e hindi talagang asawa ng kinikilalang tatay ng dalawang carnapper na 'to. Pwede nyong ipagtanog doon sa legal na asawa ni Ding Dominguez (biological father ng dalawang carnapper na 'to).
    Hoy Katrina…kangino mo nakuha yung STD mo?..bakit pati yung nananahimik na si Rejoice Rivera a kailangan mo pang ipatira. Sinuwerte ka ng ipatira mo kay Raymond ang asawa mo…kahit sa impiyerno matatakot ang makakasama mo roon…

  2. SINUNGALING ANG BABAENG ito HINDI dapat pinaniniwalaan PWEDE b nman hindi ny alam n carnaper yong bf ny saka HINDI B CY NAGTATAKA BAKIT BUHAY MAYAMAN AT PAIBA IBA ng kotse yon carnaper nc raymond dominguez sbihin b nman hindi ny bf c reymond nataon lang nagkaanak cl, ano bc katrina BAYARAN O PALIPASAN ng oras? DAPAT S KATRINA nyan IKULONG DIN niloloko lang ny mga tao. SAKA WAG NYANG GAWIN ALIBAY ang anak ny sasabihin nadadamay daw ang mga anak ny s kasong ito. ikulong yan at wag ng interviehin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.