Katrina Paula, inamin na ang relasyon kay Dominguez

HINDI NA NAGSALITA si Jennylyn Mercado tungkol sa naging desisyon ng korte sa kasong isinampa nito laban sa dating personal assistant niyang si Mel Pulmano.

Napawalang-sala si Mel sa kasong Qualified Theft na isinampa ni Jennylyn laban sa kanya. Mahigit dalawang taon ding nakulong si Mel sa Camp Karingal at nu’ng nakaraang Martes nga, ibinaba na ang desisyon sa kasong ‘yun ni Judge Vivencio Baclig ng Branch 77 ng QC-RTC.

Ang sabi naman ng abogado ni Jennylyn na si Atty. Joji Alonzo, hindi na raw kinunsider ng korte ang ilan nilang ebidensiya kundi mas pinakinggan daw nito ang ipinaglaban ng defense na wala namang witness na forged ni Mel ang mga tseke.

Si Jennylyn ay tahimik na lang at ipinaubaya na lang nito sa kanyang abogado.

Sabi naman ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, may isa pa raw siyang kasong isinampa nito laban kay Mel. Kaya hindi pa raw ito makalalabas ng kulungan gawa ng may pending pa itong isang kaso.

Ibig sabihin, pagdudusahan pa rin ito ni Mel sa kulungan?

Hindi na namin inalam kung hindi nga ito nakalabas ng kulungan. Pero siguro hayaan na ‘yan at palagpasin na nina Jennylyn iyan. Matagal na rin namang nagsilbi sa kanila si Mel. Kung nagkasala man, nagdusa na rin naman siya sa kulungan ng mahigit dalawang taon. Tama na siguro ‘yun kasi kung iisipin mo, ang ano mang narating ngayon ni Jennylyn, may naitulong din du’n si Mel, ‘di ba?

KAILAN LANG HUMARAP din sa media itong dating sexy star na si Katrina Paula at inamin din nito ang pagkakaroon niya ng relasyon sa nakasuhan ng carnapping na si Raymond Dominguez.

Nang pumutok ang isyung ‘yun, tumanggi itong nakarelasyon niya ang Dominguez na ‘yun at minsan lang daw silang nagkakilala. Pero ngayon ay inamin na niya at bandang huli, nagkaalaman pang nagkaroon pala siya ng anak na isang 11 month-old boy.

Nakakaloka itong si Katrina dahil tatanggi-tanggi nu’ng una, bandang huli umamin din. Ang abogado niyang si Atty. Raymund Palad ang itinuro niyang nag-utos sa kanya na huwag munang umamin. Pero ngayon, ang dami nang naglabasan, kaya walang magawa si Katrina kundi ang umamin.

Kasong Violation of Anti-Fencing Law ang isinampa laban kay Katrina at hindi mapatunayang dawit siya sa carnapping case.

Pero naloloka lang ako sa kuwento ng mga bakla, na paiba-iba raw ang mga kotseng gamit ni Katrina. Nakakaloka ha!

Anyway, kaya humarap na sa media si Katrina dahil gusto lang nitong ipara-ting sa mga pulis na sana tigilan na siya dahil sobrang apektado raw ang mga anak niya.

Hindi na nga raw nakakapasok sa school ang mga anak niya dahil nadadamay na sila sa isyung kinasangkutan ni Katrina.

Naawa na raw siya sa mga anak niya dahil hindi na normal ang takbo ng buhay nila na wala naman silang kinalaman sa gulong ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

3 thoughts on “Katrina Paula, inamin na ang relasyon kay Dominguez

  1. hindi ko pa binabasa ang artikulong ito. pero ang babaeng ito ay di dapat pinapaniwalaan kahit ano ang sabihin. napanood ko ito kung paano i-deny ang relasyon sa dominguez na iyan at naku talaga naman kagaling mag-sinungaling at umiyak at mag-tahi tahi ng istorya. tingin ko kasabwat ito sa operasyon. dapat damay ito sa kaso.

  2. ang tanong,,may bago pa ba s aganitong klase ng babae,,,wats new,,,una,,anong klase bang babae si katrina,,??,,para samahan nya ang gaya nitong lalakeng ito,,,aber!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. we love jenylyn mercado,,magaling umarte at pretty pa,,mala TANYA GARCIA,,KAYE ABAD na beauty,,morena,,di nakakasawa,,sana lang this tym,,mapaayos pa life nya,wid aj,,wag syang pauto kay denis trillo,,na nadapadin wahahhah………mabuting ina si jen at im sure,,sila padin ni PATRICK GARCIA in the end,,para mas masaya anak nila,,