Katrina Legaspi, nag-enjoy sa reunion ng “Goin’ Bulilit”

NAGKAROON ng reunion ang ibang casts ng “Goin’ Bulilit” recently at aminado si Katrina Legaspi na sobra siyang nag-enjoy rito dahil na-miss niya ang mga dating kasamahan sa naturang gag-show sa ABS-CBN. 

Katrina Legaspi

“Nagkaroon kami ng reunion party sa bahay nina Direk Bobot (Mortiz). Siyempre ay happy ang lahat, sobrang nakami-miss, kasi ngayon lang ulit nagkita-kita. 

“Sa show kasi ay nakabuo na rin kami ng isang pamilya roon na umabot ng mga taon, kaya naman espesyal na talaga sila sa akin. Ang mga kasabayan ko roon, sina Julia Montes, Miles Ocampo, Jane Oineza, Kristel Fulgar, Sharlene San Pedro, Eliza Pineda, at marami pang iba,” masayang pagbabalik-tanaw ni Katrina. 

Dagdag pa ng aktres na kilala rin bilang Hopia noong child actress siya, “Maraming naitulong sa akin ang ‘Goin’ Bulilit’. Dito ako mas lubusang nakilala bilang si Hopia. Naging mas professional ako sa aking trabaho at nahasa pa ang talent ko sa comedy.” 

Ngayon, kabilang ang ABS-CBN sa mga pinasasalamatan ni Katrina dahil sa pag-alalay sa kanyang career. “I’m very happy and blessed. Thankful po ako sa kanila dahil naaalala pa rin nila ako at grateful na nabibigyan po nila ako ng projects. They believed in my talent. And I’m looking forward to more projects in ABS-CBN.” 

Dagdag pa ng aktres, “Bukod sa ‘A Love To Last’, mayroon din akong special cameo role sa ‘The Better Half’ bilang kapatid ni JC de Vera. 

“Sana magtuluy-tuloy na rin po ito, para mas mai-showcase ko rin ang iba ko pang talent, like singing and hosting. Sana ay mabigyan din po ng opportunities dito. I think everything happens at the right time. 

“Kasi iyong iba ay parang sinasabi na napag-iiwanan ako. Kumbaga, ‘yung mga ka-batch ko, ang layo na ng narating. Pero I’m happy for what they’re achieving, kasi ay deserve naman nila iyon. Ako ‘yun nga, maybe kailangan ko muna talagang tapusin ang pag-aaral ko tapos ay tsaka ako mag-focus sa career ko, gaya nang nangyayari ngayon.”

This week ay guest din si Katrina sa sitcom na ‘Home Sweetie Home’ na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.