Katrina Halili, tsinugi ni Vicki Belo by Lolit Solis

MAGANDANG BIRTHDAY GIFT kay Marian Rivera ang magandang rating ng pagsisimula ng Darna nu’ng nakaraang Lunes.

Sa pilot episode nito, naka-44.1 percent at talagang pinatumba ang katapat na May Bukas Pa at Only You sa kabila.

Nagkaroon ng technical problem ang survey ng AGB nu’ng nakaraang Martes kaya hindi ko na alam kung na-maintain bang mataas.

Tiyak naman akong mataas dahil bawat gabi paganda nang paganda ang kuwento na talagang susubaybayan mo.

Nu’ng nakaraang Miyerkules, si Marian na ang gumaganap bilang Narda pero hindi pa siya nakapag-Darna. Lalo na siguro kung naka-Darna costume na siya.

In fairness din kay Iwa Moto na gumaganap bilang Valentina, maganda rin ang pagka-establish ng karakter niya kaya talagang mapapatutok ka at susubaybayan mo ito.

Wala na ngang mahihiling pa si Marian sa kanyang birthday dahil maganda ang resulta ng pinaghirapan nila sa Darna, may Dingdong Dantes pa siyang may inihandang sorpresa sa kanyang kaarawan.

Sabi nga ni Marian, wala raw siyang selebrasyon sa birthday niya dahil may taping siya sa araw na iyon pero sinorpresa pa rin siya ng mga kasamahan niya sa Darna dahil nagdatingan sila lahat sa set pati ang ilang executives ng GMA-7 gaya ni Redgie Magno.

Pinaaga siya ng pack-up dahil susunduin pala siya ni Dingdong para mag-dinner naman sila.

Natuloy rin ang balak ni Dingdong na ma-treat sa dinner si Marian at magkaroon naman sila ng panahon na sila lang.

Ayaw talaga nilang sabihin kung saan sila nag-celebrate pero roon na raw ibinigay ni Dingdong ang pinaghandaan niyang birthday gift para sa bagong Darna.

Malalaman din natin kung ano ang nangyari sa birthday celebration nila at kung ano ang birthday gift ni Dingdong kay Marian. Kakalkalin ko talaga iyan!

MATAGAL KO NANG alam na tinanggal na si Katrina Halili bilang endorser ng Flawless pero pinakiusapan akong tumahimik na lang.

Maayos naman ang kanilang paghihiwalay at nangako raw silang walang may magsasalita at tahimik na tapusin ang napirmahang kontrata.

Pero sa presscon ni JInkee Pacquiao bilang bagong endorser ng Belo Medical Group, kinumpirma ni Dra. Victoria Belo (take note: Victoria na ha? Hindi na raw Vicki) na wala na sa Flawless si Katrina.

Bilang isa sa mga may-ari ng Flawless kasama ang bestfriend ni Vicki na si Ruby Coyuito, pumayag daw agad sila sa gusto ng abugado ni Katrina na tapusin na lang ang kontrata nito at hindi na nila ipagpatuloy ang pagiging endorser ng Flawless.

Sabi nga ni Vicki, nu’ng nakatanggap daw sila ng sulat mula sa abugado ni Katrina, nag-agree na sila at okay na raw kung hindi ibabalik ito ni Katrina.

Kasi bayad naman si Katrina sa buong taong kontrata ng Flawless. Since, ayaw na nilang tapusin, dapat ibalik nila ang bayad, ‘di ba? Pero sey naman nina Dra. Belo at Ruby, kung hindi na raw ito ibabalik nina Katrina, okay na sa kanila iyon. Hayaan na lang daw nila ito kay Katrina.

Ano kaya kung singilin ko ‘yun?

Sabi naman ni Dra. Belo, matagal na raw siyang walang galit kay Katrina. Kung magkita nga raw sila, kahit siya pa ang unang babati. Pero malabo na raw na maibalik ang dating magandang friendship nila dahil nagkaroon na ito ng lamat.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Katrina Halili, tsinugi ni Vicki Belo by Lolit Solis

  1. True , how true, how true. Lolit Solis, malaki ang sipsip kay Belo dahil sa may allowance din siya. Mukhang perang hampaslupa.

  2. mukha ka talagang pera lolit..nakakahiya ka ala kang ka breeding breeding,ang kilala mo lang yung may pera na natatapalan ka,nung una kontrang kontra ka ke marian ngayon dahil nareregaluhan ka mabango na si marin sa iyo,kahit ang totoo naman sa simula pa lang ay totoong tao si marian..ke vicky halos himurin mo ang pwet…pweh!!mahiya ka nga>>>super kapal at garapal naman yang mukha mo..

  3. Kunyari pa si Vicky Belo na hindi na niya ipababalik ang pera pero mas malaki pa ang singil niya ke Katrina dahil habambuhay na pasan ni Kat ang kahihiyan. Makakarma ka din, Vicky Belo. Masyado kang mihilig, hindi mo pa mapakawalan si Hayden. Eh hindi ka nga yayain magpakasal kasi siguro need pa na bayaran mo ng milyones para mapakasalan ka. bakit, binata at dalaga kayo…o nandidiri si hayden na maging dyowa kang tunay. Di pa ba halata iyon?

  4. Papano nmang gugustuhin pa ni Belo na ibalik ni Katrina s kanya ang ibinyad nyang TF e xa kaya ang nagpakalat ng videos ni Katrina! I dont like them both pero nakakainis ang paawa effect ng fren mo na c Belo na NILAGLAG ka!! Mukha ka tlagang PERA, trip mo pang ikaw ang maningil!!! Tanda mo na LOLIT SOLIS matakot k sa DIYOS!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.