Katrina Halili, tinapatan ng Siyete ang offer ng Singko kaya ‘di na lumipat?!

MAY KAYA, AS in, kayabangan din pala ang FHM cover girl na si Abby Poblador, sa true lang!

Aba, sa bibig niya nanggaling na ayaw na ayaw niyang napi-feature sa tabloid. Nang nalaman daw kasi ni Abby na lumabas ang kanyang litrato sa isang tabloid, naku, biglang nag-react ang hitad. High pitch pa.

“Huuuwaaat?! Somebody saw may pictures in a tabloid? Yuuuck!!!” Ang parang nandidiring dialogue daw ni Abby.

Hello! Unang-una, marami pa ang hindi nakakikilala sa kanya kaya ‘wag muna siya maging feeling sikat. Pangalawa, sobrang pagtalop nga ang kanyang ginawa sa mga sexy magazines kaya ‘wag siyang mag-inarte. At pangatlo, ang balita namin, e, dating syota ng bading ang kanyang ka-live in ngayon sa Makati. Kaya sana, e, ‘wag siyang mag-inarte.

At kahit modelo siya at hindi nag-aartista, e, hello ulit, kailangan pa rin niya ng tabloid, ‘no! Kung hindi ka lang talaga maganda at sexy, nakup….

TOTOO PALANG NAKIPAG-USAP na sa mga executives ng TV5 si Katrina Halili bago pa siya nag-renew ng contract sa GMA-7 recently.

After daw kasing nag-lapse ang contract niya sa channel 7 nu’ng January, e, talagang hindi nagparamdam ang home network niya para i-renew ang contract. No choice daw si Kat kundi ang makipag-usap sa TV5, according to our source.

Take note dahil sobrang laki ng offer ng TV5 kung ikukumpara sa dating kinikita ni Kat sa GMA-7. Seven figures daw ang kikitain sana ni Kat in one year sa channel 5 dahil supposed to be, e, bibigyan siya ng tatlong regular shows.

Kaso, nang naamoy ng channel 7 na may nangyaring negosasyon between Kat and TV5, e, biglang gumalaw ang Christian Network at pinapirma na agad ng contract si Kat.

Being one of the two biggest networks as of the present time, hindi nagpatalbog ang GMA-7, dahil ang balita namin, e, tinapatan nila ang offer ng TV5.

‘Nga pala. Gusto rin naming linawin na hindi galing kay Kat or sa kanyang mga dabarkads ang balitang ito. Kasi, baka masabon ng GMA-7 si Kat, ‘wag naman po. He-he-he!

KASAMA NA RIN daw si Lovi Poe sa Party Pilipinas, ang show na ipapalit sa SOP. Hindi pa ume-ere ang Party Pilipinas pero ‘sandamakmak na isyu na agad ang hinaharap nito.

Ang sabi sa amin, hindi raw talaga kasama sa original concept ng Party Pilipinas si Lovi pero may nambraso raw sa management ng singer/ actress kaya bigla raw siyang pinapirma ng contract ng GMA-7.

Ilan daw kasi sa mga taga-production ng Party Pilipinas ang against sa pagpasok ni Lovi na kesyo hindi raw ito bagay sa kanilang bagong hinahandang show.

Pero mukhang mas malakas ang nambraso para kay Lovi kaya walang magawa ang mga nagre-react na taga-production dahil pasok na sa banga ang magandang aktres, so to speak.

In fairness naman kay Lovi, bakit hindi natin siya bigyan ng chance na i-prove ang kanyang worth sa Party Pilipinas? Malay natin, siya pa ang magdala nito sa itaas ng rating game at hindi si Regine Velasquez, hendehvah?

Teka. Hindi kaya sa unang ere ng Party Pilipinas i-announce officially ni Lovi ang kanilang affair ni Ronald Singson ala Juday-Ryan announcement sa Eat… Bulaga! Kung sakali, makatulong kaya ‘yon sa ratings? Just asking lang, huh! Walang magagalit!

For reaction, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

12 thoughts on “Katrina Halili, tinapatan ng Siyete ang offer ng Singko kaya ‘di na lumipat?!

  1. Naawa rin ako kay Katrina pero ayaw ko noong pinagagawa nia…kasuhan nia ung nag-upload ng video d c Hayden kc may kasalanan din naman xa…pumatol xa sa may sabit saka pareho nilang kagustuhan ni Hayden nangyari..kaso nga may video un lang hindi tama..kung di sana lumabas walang kaso..lol

  2. Nakita nyo si katrina may offer sa TX5, pero nag counter offer ang GMA for a higher fee, pero kay Ruffa hindi nag oofer ang ABS kaya nagkandaiyak si Ruffa/annabel na tangapin ang TV% dahil napahiya na sila. Ayun pati si Kris ginamit para magkarron ng ingay na lilipat na siya sa TV5. Palpak si Annabel dahil ang ABS nakakahalata sa tabil ng dila nya kaya ang mga talent nya ay iniwasan ABS na bigyan ng Kontrata. Pahiya si Annabel at hindi obra ang pagka mal edukada nya. SINIRA MO LANG ANG CAREER NI RUFFA. KAYA HAGULGOL SI RUFFA TO DEATH. BAYARAN MO YUNG PAMILYA NG TAONG NAMATAY DAHIL KAY RICHARD, HUWAG NINYONG APIHIN ANG MAHIRAP. YUNG NEGLIGENCE NI RICHARD DAPAT PAGBAYARAN SA KULUNGAN, DAPAT HINDI MABILI ANG JUSTICE DITO.

  3. true marami pa nga ang d nakakakilala sa abby poblador na yan. kya sana wag muna sya mag inarte.pasalamat a nga sya may space pra sa kanya sa anumang tabloid.

    • true ka jan. sa hitsura pa lang milya-milya ang agwat. idagdag mo pa dyan ang education, intelligence, breeding, class at lalong-lalo na ang talent. ewan ko ba jan sa GMA at pinagtiyagaan to. ito yata dahilan kumbakit flop ang rosalinda eh.

  4. BUHAY PA PALA ITONG KATING KATI NA BABAENG ITO…ANO BA YAN GMA NA YAN BAKIT ITO KINUHA EH MUKHANG TUYONG TUYONG SINO NMAN ANG MANONOOD SA KANYA…ANG TAGA GMA PURO MGA BASURA ANG MGA TALENT MABUTI PA SA DOS NAMIMILI NG MAY MGA TALENT AT HINDI MGA BASURA.

  5. kawawa naman ang GMA, kapos talaga sila sa artista kaya kahit starlets pinipigilan nila

    ang ABS ang daming stars, afford nilang pakawalan ang isang maricel soriano

    • hindi ako nanonood ng GMA pero si Lovi is very beautiful I think! wala namang comparison si Katrina pag dating kay Lovi. Also pag nag salita si Lovi, halata namang may edukasyon at wala. Whichi Katrina does not have. So please do not compare the two, unfair naman kay Lovi!

  6. sino yan sa picture sa taas? babae ba yan or bakla? mukhang bakla po kasi!
    my bad si katring halinghing pala nasobrahan yata sa pagpaparetoke nagmumukha na syang vaklush.. iyung voice nya parang bading akala ko transgender talaga sya..

    road manager naman pala nya nagrekomenda sa kanya sa TV5 sila ang lumapit sa TV5 wawa naman mga reklamador kasi gusto may trabahao agad!

Leave a Reply

Your email address will not be published.