Katrina Halili, spent too much time in JC Tiuseco’s room in Bora

SULIT ANG BAKASYON ng Startalk crew namin sa Boracay dahil ang dami nilang nasagap na tsika roon na dapat n’yong abangan sa Startalk sa darating na Sabado.
Si Katrina Halili ang isa sa binantayan nila roon dahil nandun din pala sa Boracay nagbakasyon si Kris Lawrence kasama sina Jay-R. Nagkita nga raw sila roon sa Boracay pero nagkatsikahan lang at walang swit-switan na nangyari.

Kasi naman iba yata ang nakadebelopan ni Katrina roon sa Boracay.
Kuwento ng Startalk reporter namin, ilang beses daw nilang nahuhuling magkasama sina Katrina at JC Tiuseco,

Nu’ng pinuntahan nga raw ni Kris si Katrina sa tinutuluyan nito sa La Carmela de Boracay, hindi sila nagkita dahil nagbabad pala si Katrina sa kuwarto ni JC na nasa La Carmela rin tumuloy.

Inintriga tuloy ng mga reporter si Katrina kung ano ang ginawa nito sa kuwarto ni JC.

Ang sabi lang niya, humiram lang daw siya ng charger sa cellphone. Kaya lang bakit ang tagal niya roon?

Hindi naman daw ganu’n katagal, sagot ni JC. Nung humiram nga raw ng charger dun si Katrina, wala raw siya roon.

Pero hindi lang ‘yun, ‘Day! Nu’ng Sabado de Gloria ng umaga, may nakakita na naman daw kay Katrina na galing ng 4th floor ng La Carmela, kung nasaan ang kuwarto ni JC. Sa second floor naman ang kuwarto ni Katrina, kaya naintriga na naman tuloy ang mga reporter kung ano ang ginawa niya sa 4th floor nang ganu’n kaaga.

Sabi naman ni Katrina, wala talagang nangyari sa kanila ni JC. Nakakasama lang daw nila ‘pag lumalabas dahil walang katropa du’n ang Pinoy sole survivor.

Naging magkaibigan naman daw sila dahil nagkasama sila sa isang episode sa Dear Friend na kinunan nila noon sa Dakak.

Si JC nga, panay ang tukso sa kanya ng mga kasamahan niya sa Unang Hirit, pero tinitiyak nitong wala talagang namagitan sa kanila ni Katrina.

MAY NAGKUWENTO RING nandu’n din daw sa Boracay si JC de Vera pero walang mga reporters na nakakita sa kanya dahil sa Discovery lang yata ito nakalagi. Meron lang daw nakakitang may kasama itong magandang girl at ka-holding hands nito.

Paano si Rhian Ramos? Sila pa rin ba o wala na?

Si Rhian naman, dumating na galing Amerika at may nagkuwento sa aking nagti-text daw ito kay Mark Herras.

Ewan ko lang kung sinasagot siya ni Mark dahil hindi ko pa natanong sa kanya.

Si Mark naman, enjoy rin sa bakasyon niya roon sa Boracay, dahil nandu’n ang halos lahat na kaibigan niya. Kaya laging inuumaga raw ito ng uwi.

May nagkuwentong may nakakita raw kay Aifah Medina ng SexBomb na galing din sa kuwarto ni Mark, pero itinatanggi ito ni Aifah dahil nagkasalubong lang nga raw sila roon ni Mark. Never nga raw sila lumabas doon dahil may mga kagrupo rin siya doon na kasamang lumalabas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

7 thoughts on “Katrina Halili, spent too much time in JC Tiuseco’s room in Bora

  1. SOBRA NAMAN KAYO KAWAWA NAMAN SI KATRINA…NOT!!! HE HE HE

    Sa susunod medyo gandahan mo pa yung pag bukaka mo para makitang maige kung gaano kalaki yung tinggil mo…. bwa ha ha ha

  2. oh mag-ingat ka at baka me video din kayo ni JC Tiuseco, grabe ka makabukaka,parang palaka! kung magpangatngat ka ng kepay parang pie ah,ewww

  3. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » PINOY PARAZZI Vol. II Issue #51

  4. Laos na c Katrina wag nang pag-usapan. tignan nyo yung katawana nya kapareho kuno lumba2x, ang pangit tingnan yung sa bench…… Pinagsawaan na sya ni Hayden. & Kris L.

Leave a Reply

Your email address will not be published.