Katrina Halili, sobrang OA na!

HONESTLY, ANG SIMPATIYA namin ay nakuha ni Katrina Halili. Pero nu’ng pati ‘yung “nananahimik” na Belo Medical Group ay kanyang pinaaalisan ng lisensiya sa DOH. Ay, teka muna! Para yatang umo-OA na ang lola n’yo.

Tila ine-enjoy na niya ang kanyang “fame” na tinatamasa niya sa isyung ito. Na nagsimula lang naman sa ang pag-aari ni Maria ay gusto ring ariin ni Katrina, ‘yun lang ‘yon.

Oo, aminado siyang naging mapusok siya at talagang nahulog ang loob niya sa lalaki. ‘Yung hindi niya alam na bini-video siya ay talagang foul ‘yon. Binastos talaga siya roon. Du’n kami galit ke Hayden sa ginawa sa kanya.

Pero para patanggalan mo ng lisensiya ang Belo Clinic porke gusto mong butasan lang si Hayden na gumawa ng procedure ng lipo sa ‘yo na hindi pa pala experienced, pero wala namang nangyaring masama sa ipina-lipo mo, eh, teka muna.

Si Hayden na nag-lipo sa ‘yo ay tanggal na ang lisensiya. Ba’t pati ang Belo Medical Group? Pumalpak ba ang gawa sa ‘yo? Ang pumalpak sa ‘yo, eh, ‘yung taong akala mo ay mahal ka’t inirespeto ka, ‘yun ‘yon.

Ano ‘to? Nalilihis na ang isyu? Sa’n ba ‘to nagsimula talaga? Sige nga, Katrina, ugatin mo. Isipin mo kung saan ito nag-ugat. Sa isang salita lang: sa kalandian.

Nino? Sa kalandian ko siguro.

NAPANOOD NAMIN ANG parang “tribute” kay Marvin Agustin sa Showbiz Central. Maganda ‘to. Kaso, dapat, me reenactment para hindi lang basta nag-i-imagine ang mga tao kung ano nu’ng araw si Marvin.

Siguro, mas naantig kami kay Marvin kung pinasalamatan niya ang mga “unang taong” nagbigay sa kanya ng break at pagkakataong maging artista. Hindi naman gano’n kabilis ang mga pangyayari sa buhay niya.

Na Marvin Agustin agad siya. Siyempre, me dumiskober sa kanya. Sino ba ‘tong taong ‘to? Ano bang grupo ang sinalihan niya bago siya nakapag-solo bilang si Marvin Agustin?

Saka halatang iniiwasan niyang mabanggit ang ABS-CBN na pinanggalingan niya, kaya siguro, hindi na rin niya nabanggit o binanggit ang isang tauhan sa Channel 2 na talagang tinulungan siyang kumita at magkaroon ng pangalan.

Alam naming kahit ilang daang tao pa ang gustong tumulong sa ‘yo, kung ikaw mismo’y hindi tinutulungan ang sarili ay wala ring mangyayari.

Pero sana, ‘wag maikli ang memorya ni Marvin. Hindi lang dahil sa mga kapitbahay niya, sa pamilya niya, sa teacher niya siya dapat magpasalamat.

Siguro, kung binanggit niya kahit ang istasyon lang na pinanggalingan niya at ‘yung isang taong tumulong sa kanya, puwede na naming sabihing hindi siya marunong makalimot sa mga taong nagpala sa kanya.

“Missing page” ang title ng segment na ‘yon kay Marvin, dahil pinilas niya ang isang page ng encyclopaedia na hiniram niya sa library.

Isang pahina lang ‘yon na naalala ni Marvin, pero ‘yung “early pages” ng buhay ni Marvin sa showbiz, eh, na-dedma na.

Bukas na libro sa lahat kung kanino kami nagsimula. Anuman ang narating namin ngayon, ‘yun ay utang namin sa pinakaunang taong nagtiwala sa aming munting kapasidad.

At ‘yan ay walang iba, kundi si Ms. Cristy Fermin.

Sa tuwing nagge-guest kami sa anumang programa, basta ang paksa’y tungkol sa history mo sa showbiz o pagbabalik-tanaw, o kaya ay nagse-celebrate kami ng kaarawan sa TV, hindi puwedeng hindi namin babanggitin ang pangalan ni Ate Cristy.

Oo, kung minsan, nagkakatampuhan kami niyan,  pero ‘yun ay itinuring namin ni Ate Cristy na tampuhang mag-ina lamang. Sabi nga namin kay Ate Cristy, “Kahit pa siguro tirahin mo ‘ko nang tirahin sa kolum mo, hinding-hindi ako sasagot sa ‘yo.

“Kulang pa ‘yon para mabayaran ko ang utang na loob ko sa ‘yo, Ate Cris. Alam ng buong pamilya ko kung gaano mo kami natulungan.”

(Ayan, naiiyak na naman ako, syet!)

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

8 thoughts on “Katrina Halili, sobrang OA na!

  1. chk-chk-chke-pam-paw… he he he he!

    Katrina huwag ka ng magreklamo tutal kinain-kain naman ni Hayden yung tinggil mo eh. Tapos kantot-aso pa ang natikman mo c’mon, unless na hinde ka nilabasan then dapat ireklamo mo talaga siya para makantot ka ulit niya ng tama okay ba?

    Pero kung hinde naman eh tawagan mo lang ako at susup-supin ko yung tahong-kepyas mo hanggang mag pass out ka sa sarapppp!!! Hinde lang yun’, titirahin ka tuloy ng tropa (yung iba egot ha ha hah) sa lahat ng butas ng katawan mo YEAHHHHHH!!!!

  2. ang OA na talaga ni katrina. kalabanin ba pati si dra. belo? pasalamat nga siya kinuha pa siyang endorser ng flawless ano.

    ayaw ko rin si cristy fermin pero sa totoo lang minsan naiisip ko siguro mabuti naman siyang tao kasi ikaw tsaka si john lapuz grabe tumanaw ng utang na loob sa kanya.

  3. Alam mo OGIE DIAZ everytime na ikaw ang may article dito sa pinoy parazzi binabasa ko talaga. Not only i find your article simple, it also has a heart. Sabihin na ng iba dyan na mababaw ako yes. pero para sa kin, gusto ko ang mga artikulo na may hagupit pero may lambing. ( Gosh para nakong si CRISTY FERMIN) hate ko pa naman sya. Anyway, Iba ka kasi magsulat and I don’t want to make comprison dahil it would be unfair. Nakakainis nga lang to accept the fact na yang Cristy Fermin pala ang mentor mo. I salute you kasi marunong kang tumanaw ng utang na loob. Bihira yan. And going back to your craft, I can tell you’re putting your heart and mind to it. Kahit tinitira mo ang artista binibigyan mo naman ng rason kung bakit at kung minsan nga inaako mo para lang maging light ang lahat. Kagaya ng nasa itaas about katrina halili wherein sinagot mo ang tanong at inako mo ng sabihin mo: “* Isipin mo kung saan ito nag-ugat. Sa isang salita lang: sa kalandian.

    Nino? Sa kalandian ko siguro.” ** hehehe
    sample lang yan OGIE ko..
    Di ba may laman yet di offending? Keep up the good work OGIE. Pinoy parazzi should commend you at pasalamat ka CRISTY FERMIN nawawala galit ko sayo dahil kay OGIe. Buti na lang binabanggit nya sa artticle nya na ikaw nagbigay ng break sa kanya otherwise… you earned my wrath!!

  4. hay naku..hindi niyo takaga megets ang punto ni katrina…hindi dapat si hayden ang nag lypo sa kanya dahil hindi pa siya qualified…palpak na yon di ba..pero si Belo, pinabayaan si haydeb mag lipo eh hindi pa nga qualified…so suma total, parehong negligence yon..yong nag perform at yong clinica kung saan ginawa yong pag lipo!!! ang linaw na po nito..tagalog na po!!! at kung ako si katrina gagawin ko lahat para mapabagsak ko si Hayden kho jr…

  5. kulit mo tagala Ogie sobra akong tawa doon ahh. Ganya ang mga artist na ng GMA ngayon na galing sa ABS ayaw nilang angitin na ang nagbigay ng break sa kanila sa ABS dahil narin sa utos ng mga boses ng KAMPUN NI SATANNNNNNNNN gma…………….

Leave a Reply

Your email address will not be published.