Katrina Halili, scandalized by videos taped by Hayden Kho

Aminado naman ang seksing aktres na si Katrina Halili na ‘nagkamali’ siya nang unang pumutok ang ‘sex scandal’ nila ng boyfriend ni Dra. Vicki Belo na si Dr. Hayden Kho. At malaki ang naging kabayaraan ng eskandalong iyon sa career ng dalaga – nawalan ng projects, nabawasan ng endorsements.

Tapos na nga sana ang isyu, at nagkaroon na ‘pagpapatawaran’ sa bahagi ni Dra. Vicki at ni Katrina. At ngayon nga, muli na sanang nakababangon ang career ni Katrina. Nagkaroon pa nga ito ng isang episode sa Dear Friend at ini-launch pa bilang endorser ng Bench Body.

Pero tila ayaw ngang tantanan ang seksing aktres. Sa kanyang pananahimik na nga, kumalat naman ang sinasabing ‘video scandal’ nila ni Hayden na ugat ng lahat.

Ano ba naman itong si Hayden, para namang hindi lalaki. Matapos niyang paglaruan ang damdamin ni Katrina at gawan pa ng video ang kanilang lampungan, heto’t nagawa pang ipagkalat ang nasabing video.

Sabihin pang hindi si Hayden ang mismong nagkalat ng kanilang ‘video scandal,’ lumalabas nga kasing iilan lang naman silang may hawak ng kopya ng naturang video.

Ang chika pa, isa sa dalawang kaibigang lalaki ni Hayden ang nagpakalat ng video. Magkaaway raw ngayon sila ng kaibigan dahil ‘sinyota’ ni Hayden ang girlfriend ng kaibigan. Gumaganti nga raw ang said friend.

Pero, sobra naman ito. Kahit saang anggulo busisiin, si Katrina ang talo rito. Masyado ngang kinawawa si Katrina sa pangyayaring ito.

Ano ba naman kasi ang palagay ni Hayden sa sarili niya, natatanging lalaki na ibinigay ng Diyos para magpaligaya ng babae? Kung tutuusin, isa itong porma ng pang-aabuso, huh, sa mga babaeng gaya ni Katrina.

Hay, sana lang matapos na ito’t nang malagpasan ni Katrina ang bago niyang kalbaryo mula kay Hayden. ‘Yun na!

Previous articleStars Candid: Darna and Super T, meet again
Next articleSandara Park, making waves in SK

No posts to display