Katrina Halili, sasalang na sa paglilitis ng kaso laban kay Hayden Kho

SA SUSUNOD NA buwan ay magsisimula na ang trial ng kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na isinampa ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho na umakyat na sa sala ni Judge Rodolfo Bonifacio ng Pasig-RTC.

May mga witness na ipi-present ang bawat kampo at pareho nilang pinaghandaan ito.

Sa first Monday of April magsisimula ang trial at si Katrina ang unang uupo.

Hindi kasali sa mga witness si Dra. Vicki Belo pero sinabi na nito sa presscon niya kamakailan lang na babaliin na niya ang pangako noon na hindi muna siya makikipagkita kay Hayden.

Gusto raw niyang dumalo sa mga hearing bilang suporta kay Hayden at gusto raw niyang mapanood ang mga inihandang panlaban ni Atty. Capunan.

Parehong malakas ang mga panlaban ng bawat kampo kaya abangan na lang natin kung alin ang mananaig.

Ang sabi lang naman ng abugado ni Katrina na si Atty. Raymund Palad, basta fair lang ang paglilitis, naniniwala siyang sila ang mananalo dahil nakikita naman daw ang nilabag ni Hayden sa batas at sa karapatan ni Katrina at ng iba pang kababaihan.

Ang latest pang development kaugnay sa gulong ito, ni-reverse ng DoJ ang desisyon ng QC-RTC sa kasong Libel na isinampa ni Katrina laban sa ina ni Hayden na si Irene Kho.

Kung natandaan pa nu’ng nakaraang taon ay sinampahan ni Katrina ng kasong Libel si Mrs. Irene Kho dahil sinabihan siyang nagda-drugs sa interview nito sa ABS-CBN 2.

Pero na-dismiss ang kasong ‘yun at kaagad namang humingi ang abugado ni Katrina ng petition for review sa DoJ.

Na-grant ang petition na ito kaya tuloy ang kasong Libel laban kay Irene Kho at hihintayin na lang daw kung saang korte sa QC-RTC ito mapupunta at kailangang mag-post ng bail si Mrs. Kho.

Sabi pa ni Atty. Palad, naka-3-0 na pabor sa kanilang panig, kaya naniniwala siyang magiging maganda ang resulta nitong kasong isinampa ni Katrina dahil napakinggan daw sila. Samantala, lahat daw ng isinampa ng kampo ni Hayden ay naibasura.

SA PRESSCON NI Dra. Vicki Belo para kay Phoemela Barranda, pawang lovelife ang pinag-usapan dahil aminado pa rin naman si Dra. Belo na in love pa rin ito kay Hayden at si Phoemela naman ay kabi-break lang sa taga-bandang Bamboo na si Ira Cruz.

Kaya sabi nga ni Phoemela, madalas ay humihingi raw siya ng advice kay Dra. Belo.

SI Phoemela ang huling endorser ng Belo Medical Group, kung saan pinu-promote nito ang breast enhancement.

Hindi naman itinago ni Phoemela na nagpa-enhance siya ng breast dahil dati ay aminado naman itong silang mga models ay hindi talaga kabonggahan ang boobs. Kaya ang dating 32 cup A na bra, ngayon ay 34 cup C na raw, at proud na proud naman dito si Phoemela.

So sabi nga ni Dra. Belo kahit break na ito kay Ira, walang dapat ika-worry si Phoemela dahil sobrang sexy niya ngayon at tiyak na maraming lalaking magkakandarapa sa kanya.

Hindi naman itinatanggi ni Phoemela na may special someone na siya ngayon na isang interior designer pero tumutugtog din daw ito, na Chico Cristobal ang name.

Hindi pa raw niya masasabing sila na ngayon, dahil dalawang buwan pa lang sila at hindi naman daw sila nagmamadali.

Limang taon din naman daw ang relasyon nila ni Ira, kaya hindi ganu’n kadali ang pag-move on.

Gusto pa nga raw niyang magkaroon pa sila ng time na magkausap ni Ira, dahil marami pa silang mga isyung dapat na ayusin, at gusto naman daw niyang maging friends sila.

Close pa rin naman daw siya sa pamilya ni Ira at sa katunayan, nandu’n ang guwapong kapatid ni Ira na si JD Cruz na isa rin pala sa mga staff ng Belo Medical Group.

By Gorgy’s Park

Related Post

loading...

4 thoughts on “Katrina Halili, sasalang na sa paglilitis ng kaso laban kay Hayden Kho

  1. Violence against women? Bakit pinagbuhatan ba siya ng kamay ni Hayden? OA, ha?

  2. inngit ka lang kasi hindi mo matikman yung batutoy ni hayden, si katrina napaghalinghingan nya sa sarap ang batutoy ni hayden.

    kaya ka kumakampi kay hayden dahil pinapangarap mo yung maitinm na batutoy ni hayden at sa palagay ko kahit mabangungut ka at kahit sa bangungut hindi mo matitikman o mahawan o madilaan man lang ang batutoy ni hayden

  3. walang comment? cge ako na lang ang mag comment.. manalo sana si hayden team hayden ako!

    ayoko sa kabit na si halinghing pang pokpok lang ang cheap na beauty nya! nakakasuka!

Leave a Reply

Your email address will not be published.