Katrina Halili, pinagbabantaan ang buhay!

MAYROON DAW nagbabanta ngayon sa buhay ni Katrina Halili. Kung anu-anong masasamang salita ang binibitiwang pagmumura ng hindi pa mapangalanang tao ang ipinaparating niya sa dating seksing aktres sa pamamagitan ng text messages sa cellphone, facebook at twitter account ng nagdadalang-taong aktres. Si Kat pa naman ay mabilis maapektuhan, dahil likas sa kanyang ugali ang pagiging iyakin.

Okey lang naman sana ang isyu kung ito ay isang intriga lang, dahil napagdaanan na dati ni Katrina ang malalaking kontrobersiya na pinilit naman niyang kinaya at nilalabanan. Kaso lang, sensitive siyempre sa ngayon ang kundisyon ni Kat, dahil buntis nga siya. Kung sobra siyang mag-iisip sa pagbabanta sa kanya ng taong iyon na hindi niya nakikilala, ay baka maapektuhan naman ang sanggol na kanyang dinadala. Hindi kasi maiaalis kay Katrina ang sobrang kabahan mula sa banta ng kung sino.

Pero mayroong kumakalat ngayong usapan, na diumano’y ang taong nagbabanta sa buhay ni Katrina at nagpapadala ng kung anu-anong salita ng pananakot, ay isa umanong masugid na tagahanga ni Marian Rivera. ‘Di kasi nga, nang muling magkasama ang dalawa sa teleseryeng My Beloved ng GMA-7 ay nagkaroon na naman sila ng alitan. Nakikisimpatiya marahil ang nasabing fan, kaya sa sobrang pagmamahal niya kay Marian, hinihinalang tinatakot si Katrina para matameme at hindi na magsalita tungkol sa hidwaan nila ng karelasyon ni Dingdong Dantes.

ISANG MALAKING hamon para kay Coco Martin na bilang kapareha ni Angeline Quinto ay siya muna ang inaasahang magdadala ng karisma sa takilya ng pelikulang Born To Love U ng Star Cinema. Hindi kasi matatawaran ang naging kasikatan ni Coco sa showbiz, dahil siya na ngayon ang itinuturing na malaking banta sa kasikatan nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz sa bakuran ng ABS-CBN. Sa ilang teleseryeng pinagbidahan ni Coco ay talagang kinagiliwan siya ng televiewers.

Markado na ang pangalan ni Coco pagdating sa kahusayan sa kanyang pag-arte, dahil maging ang mga beteranang artista ngayon ay nagnanais na makasama siya sa project. Bukambibig kasi sa showbiz na bukod sa magaan katrabaho si Coco ay marespeto raw sa mga naunang artista kesa sa kanya. Pero kung inaasahan ang magic ng actor sa takilya, magkakatulungan naman siguro sila ni Angeline, dahil sa mga baguhang mang-aawit na biglang sumikat ay si Angeline ang kinagigiliwan ngayon ng masa, at masusubukan nga siya sa nasabing pelikula kung pasado na ba siya para umarte.

Ah, oo naman. Ito ‘yung pinakahihintay na pelikula na naging dahilan, kaya ang mahiyain sa babae na si Coco ay bigla na lang nagbigay ng kuwintas kay Angeline sa kanyang first solo concert sa Skydome. Hindi naman kasi sanay si Coco na manligaw, kaya kinukulit tuloy si Angeline kung talagang ipinagpatuloy niya na kahit siya ang babae ay siya na ‘yung gumawa ng panliligaw kay Coco.

 

PERSONAL: HAPPY birthday sa aming pinsang friend na si Arvin Paul Arcillas. Hindi namin makakalimutan si Arvin, dahil nu’ng hindi pa namin alam na magpinsan kami ay paborito ko siyang basketball player sa aming barangay. Hindi ako friendly tsaka kill joy ako, pero kinaibigan niya ako at pinagtiisan niya ang pagiging KJ ko. Pambalanse siya sa mga taong kakilala ko, nakakasama at nakakausap na puro taga-showbiz. Maingay at masaya siyang kabarkada, na walang ka-showbizan. Kaya puro ingay at tawanan kami lagi.  

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

10 thoughts on “Katrina Halili, pinagbabantaan ang buhay!

  1. GUMAGAWA NA NAMAN NG ISYU SI KATRINA PARA PAG-USAPAN KASI WALA NA SIYANG CAREER MULA NG KUMALAT ANG PAKIKIPAGKANGKANGAN NIYA KAY HAYDEN. LAOS!

  2. Pingback: Katrina Halili, pinagbabantaan ang buhay! | Celebrity Philippines

  3. Helloooo!!!  at gano nman Kaya kaimportante tong Katina n to pra pag interest ang buhay??? Kau nMang mga tanga naniniwala Kau s sabi ni heart? Na papatayin sya ng fans ni MR?? Ang babaw ha!!! tingin nyo nman s mga fans Nya wlang sariling isip??? Palibhasa pag typical hater tlga bulag n bulag sa galit!!! Puro Kau anak!!! Cge Nga pakita nyo pix nung bata at maniwala aq!!! Asan ebidensya nyo?? Wla kc Kayo mismo nagkakalat nyan wla nman ebidensya!!! Mga Tanga!!!

  4. MGA PESTE TALAGA YANG MGA MARIAN RIVERA FANS NA NYAN! TULAD NILA ANG IDOL NILANG IMPAKTA!SOBRANG SAMA NG UGALI..BULOK ANG NILOLOOB PATI PUKE!

  5. Walang kadudaduda utos ni marian yan sa mga fans nya..dba yan din ang ginawa ng fans ni marian ky heart,isang txt lang daw ni marian sa fans nya,papatayin nila si heart,..LAOS kana marian,..wawa nman si katrina buntis pa naman..,

  6. INDAY GAGAWA KA NG ISSUE KASI NGA PALAOS KA NA. PAGBALIK MO KASI MOTHER ROLE NA LANG GAGAWIN MO O KAYA PANG SUPPORT KA NA LANG NI BARBIE FORTEZA YAN NAPAPALA NG SOBRANG KAGIMIKAN AT KALANDIAN. NANG IIWAN KA NG ISSUE PARA MAPAG USAPAN KA PA PAGKAPANGANAK MO HOW IRONIC HAHAHA…..

  7. PARA MAPAG USAPAN PA ANG BOLDSTAR NA ITO NA MILYA-MILYA NA ANG INILAYO KE SHEENA HALILI NA NGAYON AY KABILAAN ANG MGA PROJECTS GUMAGAWA NG INGAY PARA MAPAG USAPAN ANG BRUHA. KUNDI BA NAMAN MASYADO KA RING SINUNGALING KASASABI MO LANG NA WALA KANG BOYFRIEND AT NATUTO KA NA SA SEX VIDEO EH ANO NGAYON BUNTIS KA NA PALA SA LIVE IN PARTNER MO. BRUHA HINDI MO NA MAPAPABANGO PA YANG CAREER MO KAHIT MAKIPAG AWAY KA PA SA MGA FANSITAH. UNA MONG GAWIN MAG PA REHAB KA INDAY EPEKTO NA YAN SA COCAINE NA GINAGAMIT MO.ADDICT.

  8. grabe to si marianita. Tanggapin na kasi na laos na. Alagaan mo na lang kasi ang anak mo kay Ervic Vijandre. Mga next week, break na sila ni Dingdong Dantes.

Leave a Reply

Your email address will not be published.