Katrina Halili, okay lang sabihan ng malandi, ‘wag lang daw ng death threat!

NAGSALITA NA si Heart Evangelista sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, at sinabi nga niyang gusto na muna niyang mag-focus sa trabaho, wala munang panahon sa panibagong pag-ibig.

Dahil break na sila ni Daniel Matsunaga, ang dami na tuloy na-link sa kanya na ikinagulat ko, pati pala kay Sen. Chiz Escudero ay inili-link siya.

Tapos na kasi ang taping nila sa Legacy, pero na-link din siya kay Sid Lucero na naging close lang naman daw sa kanya. Iba raw kasi ang bonding nila sa Legacy na lahat sila ay naging close friends. Naging open daw si Sid sa kanya, na pati lovelife nito ay ikinukuwento sa kanya, at ganu’n din naman daw siya. Naging bestfriends sina Heart, Lovi Poe at Alessandra de Rossi at ganu’n din daw si Sid sa kanila.

Ayaw namang magsalita ni Heart nang tapos, pero sa ngayon daw ay magkaibigan sila. Hindi raw niya masagot sa ngayon kung sakaling may ibang plano si Sid.

Pagkatapos nitong Legacy ay tuloy na si Heart sa bagong project nito sa GMA-7 na Luna Blanca. Bale pangatlong serye pa sila, dahil multigenerational kasi ito, at mauuna muna sina Jillian Ward at Mona Louise Rey, susundan nina Barbie Forteza at Bea Binene at panghuli si Heart kasama si Bianca King.

 

MAGANDA ITONG ginawa ni Katrina Halili na pinahanap niya talaga ang taong naninira sa kanya sa Twitter.

Sabi ni Katrina, okay lang daw kung tinira siya na pawang panlalait, pero may mga pana-nakot pa na susugurin daw ito sa taping, pati ang ipinagbubuntis niya dinadamay. Kaya lumapit si Katrina sa NBI at  pinahanap niya talaga ito.

Natunton ito ng NBI at nalaman kung sino ang may kagagawan nito, kaya inimbita ang taong ito na todo ang bashing kay Katrina sa Twitter. Nakita nga ni Katrina ito na isa palang babae na saleslady pala sa isang mall. Itinatanggi raw ito ng babae, pero siya talaga ang lu-mabas sa im-bestigasyon kaya patuloy pa raw itong iniimbestigahan.

Sabi pa ni Katrina, kapag mapatunayan daw na itong babae nga ang may kagagawan ng cyber bully sa kanya, idedemanda raw talaga niya at gusto raw niyang makulong.

“Okay lang na magsabi ka na malandi ako o kahit ano ako, wala akong pakialam. Pero huwag namang masyadong below the belt na nagti-threat pa,” pahayag ni Katrina nang na-interview ito ng Startalk.

“Siguro magdala-dala siya, kasi kung mapatunayang siya nga ‘yun, gusto ko talaga siyang makulong. Hindi ako padadaan sa sorry.

“Gusto ko siya matuto, kasi kung tatanggapin ko ang sorry niya, mangyayari sa ibang tao, eh ‘di sabihin nila ‘sige mangagago uli tayo ng ibang tao. ‘Pag manggago tayo ng ibang tao, mag-sorry lang naman tayo eh, okay na. Huwag naman,”  ngitngit ng aktres.

Kaya siguro mag-ingat na rin ang ibang mga taong walang magawa, na basta ganunin lang ang mga artista na wala namang ginagawa sa kanila.

Dapat ganu’n din ang gawin ni Sharon Cuneta, na sa halip na pagpapatulan niya ang mga bashers     nito,       ipa-imbestiga niya sa NBI ‘no!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

6 thoughts on “Katrina Halili, okay lang sabihan ng malandi, ‘wag lang daw ng death threat!

  1. Korek ka jan manay. Sharon should pattern what KH did. Hindi na nya kailangang makipag word war sa mga bashers nya. Eh more degrading pa ang mga sinasabi ng mga bashers ng Mega mag ina. Compared to KH, Sharon has more connections.

  2. Pingback: Katrina Halili, okay lang sabihan ng malandi, ‘wag lang daw ng death threat! | Celebrity Philippines

  3. Kanya kanya ng kwento ang buhay ng tao. mayroon maswe swerte at mayroon din naman medyo malas. Mayroon yun kung umibig ay labis labis na kung minsan ay hindi na nagagamit ng todo ang isipan kundi ang kanilang puso. Mahirap di ba? Sana ang tao tumahimik na lang at wag ng manglait dahil buhay nila iyon. ano ba ang makukuha ng isang tao kung hinuhusgahan niya ang kanyang kapwa. Wala naman di ba? Hayaan nalang sana natin na matuto sila sa kanilang pagkakamali at bumangon na muli. Lahat naman tayo nagkakamali. 

  4. SO ME DEATH THREAT ANG STARTLET NA ITO? SINONG LUKA-LUKA ANG MAGPAPAKULONG PARA DITO SA PAKANTOT NA ITO?

Leave a Reply

Your email address will not be published.