Katrina Halili, nakikiramdam sa takbo ng career!

HINDI MAN ‘SANDAMAKMAK ang mga regular shows ni Katrina Halili ngayon sa TV, e, humahataw naman ang sexy TV personality sa kanyang mga out of town shows kaya hinabol namin siya sa kanyang house sa New Manila bago pa siya tumulak papuntang Aklan and Abra for her provincial rackets.

“Actually, kadarating ko lang po from El Nido, Palawan. Kasi, du’n nga po inilibing ang lola ko. Siyempre, kailangan din naman ni Mommy ng katulong para mag-asikaso kaya talagang pumunta ako du’n. Saka medyo nag-bonding na rin po kami nu’ng iba ko pang mga relatives,” ang magalang na panimula sa amin ni Kat.

One week nawala si Kat at ngayong back to reality na siya, e, siguradong balik-trabaho na rin ang kanyang beauty.

Taping daw agad sa Show Me The Manny ang kanyang uumpisahan pagkatapos ng kanyang one week respite sa Palawan.

“Kaya nga po thankful din po ako sa GMA-7 dahil kahit tapos na po ang Darna, e, hindi pa rin po nila ako nakalilimutang kunin sa kanilang mga regular shows as guest,” sabi pa niya.

Inamin ni Kat na tapos na ang kanyang two-year contract sa GMA-7 and as of press time, e, hindi pa raw nagpaparamdam ang management kung ire-renew ang kanyang kontrata o hindi. Hmmm…

“Honsetly, e, hindi ko pa po alam kung ano ang magiging career plan ko. I’m giving myself one week para pakiramdaman kung ano ang mangyayari before I decide po. Kasi, pag-uusapan po namin ito ng matindi ng manager ko at ng mga taong nagmamahal sa aking career.”

Ibig sabihin, hindi siya masyadong busy sa kanyang career? May iba pa ba siyang pinagkakaabalahan aside from out of town guestings?

“Sa bahay lang po ako. Kung nagwo-work out man po ako, e, nasa house lang. Kahit paano, e, may mga machines naman po ako sa house para hindi na lalabas para mag-work out.

“Nope. Hindi po ako mahilig mag-badminton or mag-jogging. Talagang dito lang po ako sa house, kung hindi po ako nagtatrabaho,” explain pa niya sa amin.

Okay, okay.

Aminado naman si Kat na by hook or by crook, e, kailangan niyang magkaroon ng regular job. Alam naman kasi ng lahat na meron siyang obligasyon na monthly mortgage sa binili niyang bahay sa New Manila.

Dahil uso ngayon ang lipatan blues sa mga network, hindi pa ba nagpaparamdam sa kanya ang TV5?

Natawa at nailing si Kat bago bumaling sa amin.

“Basta Tito Joey, ayaw ko pa pong magsalita. Kasi nga po, tingnan ko po muna kung ano ang mangyayari ngayong week na ito then I will decide,” ang medyo bitin pa niyang sagot sa amin.

“Basta malaki po ang utang na loob ko sa GMA-7 dahil dito ako nagsimula at sila po ang nagpakilala sa akin,” pahabol ni Kat.

Naku, mukhang may kulay ang statement na ‘yon ni Kat, huh! Ano kaya ang ibig sabihin nu’n?

Sa susunod, kukumustahin naman natin ang lovelife ni Kat… pwamis!

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

18 thoughts on “Katrina Halili, nakikiramdam sa takbo ng career!

  1. Vindicated na si Krystala sa sinasabing affair ni gina alatiit alajar sa kanyang ex-husband. sabi nat kulang lang talaga sa pansin ang babaeng ito, gustong mapag usapan at maisama ang mga anak na bano sa pag akting. kung ako si alatiit i soga ko na lang sa mga mayayamang vaklush mag maliwanag na pera pa. hay trying hard talaga, tatapak pa ng mga inosenteng tao para lang mapag usapan, mabuti na lang kahit paano ay may takot sa diyos si krystala at hindi ni nya idinemanda ang alatiit na eto.

    kala mo naman sumikat, nalimutan na nya na nag bomba din sya kaya nag karuon ng name recal.

  2. kahit nagkaroon ng scandal issue si katrina hindi maikakaila na magaling syang actress kumpara sa iba. di naman ang morality ang dahilan kaya pinapanood ng tao ang artista kundi dahill sa talento nito. napakaraming artista ang masahol pa ang pinag gagagawa kumpara sa ginawa ni katrina pero kung mapapanood mo or ang lumalabas e akala mo malinis na tao. kagaguhan na sabihin na ehemplo ng kabataan or kung anuman ang mga artista, andiyan sila para umarte ayon sa binibigay ng script. para sa akin kung anuman ang lumalabas na kung ano anong balita sa kung sinomang artista papanoorin ko pa rin as long as nabibigyan nya ng hustisya ang ginagampanan nya.

  3. Yan ANg kabayaran ng kasalanan ni KATRINA HALINGHING…. maHILIG kasi… Wala ka ng career iha..
    Hindi ka naging magandang ehemplo…
    SAna magbagong buhay ka na….

  4. Matamlay ang karera nito dahil ang scandal wag kakalimutan, nkatatak na yan s madlang pipol. Yan ang napapala ng makati.

  5. buhay pa pala ang kabit na ito? mukha talaga siyang bakla! bat siya mamroblema sa pera e dami naman cguro nya kliente na mga DOM devah? good luck retokadang halinghing!

  6. Tama.Go, Katrina.
    Kung saan ka mamahalin at pagpapakitaan ng paggalang ng tv network..doon ka!!
    Lipat ka na alng sa TV5.

Leave a Reply

Your email address will not be published.