Katrina Halili, nagpatutsada kay Vicki Belo?!

HINDI NAMAN DAW apektado si Ynna Asistio sa panibagong intriga kay Mark Herras na nakita raw itong lumabas ng hotel na may kasamang girl.

Nagulat nga ang alaga ko sa isyung iyan dahil wala na nga raw siyang oras matulog, makapupunta pa ba siya ng hotel?

Halos araw-araw na taping at pagdating ng Linggo may Party Pilipinas pa siya kaya paano pa raw siya makapagho-hotel niyan?

Dedma naman si Ynna sa intrigang iyan dahil buo raw ang pagtitiwala niya kay Mark.

In fairness naman kay Mark mukha namang in love na in love ito kay Ynna at sinasabi naman niya noon pa na iba na siya ngayon. Hindi raw siya kagaya nang dati na marami pang nali-link kahit may girlfriend na ito pero ngayon ay talagang behave daw siya kaya ganu’n naman ang tiwala ni Ynna sa kanya.

Nu’ng Martes lang ay nakita pa si Mark sa GMA-7 kasama si Ynna pati ang Tita Nadia Montenegro nito at mukhang wala naman daw silang problema. Ang sweet nga raw nina Mark at Ynna na suportado naman ni Nadia.

Naku! Tingin ko naman diyan hindi pa matatapos iyan. May mga maglalabasan pang ibang intriga dahil lapitin naman talaga si Mark ng babae kaya dapat magiging matatag na lang si Ynna.

Samantala, tinanong na rin si Ynna kung hindi ba ito nagseselos sa bagong ka-partner ni Mark na si Heart Evangelista sa Langit sa Piling Mo.

Wala raw siyang naramdamang selos dahil nakikita naman niyang trabaho lang at cute na cute nga raw siya sa tambalan ng dalawa. Kahit sino naman daw ang i-partner kay Mark, bumabagay agad sa kanya.

Wala na nga si Mark sa Diva dahil sa Langit sa Piling Mo, kaya pinalitan ito ni Enzo Pineda na panibagong ka-loveteam ni Ynna. Wala naman daw naramdamang selos si Mark. Okay!

NAKAKALOKA NAMAN ITONG si Katrina Halili nang tinanong ng taga-Startalk na sa gitna ng mga kasong hinaharap niya ngayon, wala ba siyang inspirasyon para magpasaya naman sa kanya? Talagang zero ba ang lovelife nito?

Ang sagot nito: “Masyado pa po kasi akong bata. Bata pa po talaga ako, ayokong madaliin. Kung matanda na ko, magmamadali ako.”

Naloka ang Startalk reporter namin dahil obvious na si Dra. Vicki Belo ang pinariringgan niya dahil alam naman nating tuloy pa rin ang inlaban nina Vicki at Hayden Kho.

Kaya tinanong ng reporter namin kung si Dra. Belo ba ang pinariringgan nito? “Hindi naman po. Kasi para sa akin, sa sarili ko ayokong magmadali. Kasi ‘pag na-in love ako, sira na  naman ang career ko. Ang gusto ko kasi, ‘pag na-in love uli ako, gusto ko, mag-asawa na,” sagot nito.

Wala naman daw nanliligaw sa kanya ngayon dahil tingin daw niya, takot lang ang mga lalaking ligawan siya.

Aminado naman si Katrina na magmula nang masangkot siya sa sex video scandal, parang natakot na siyang makipagrelasyon sa isang lalaki.

Siguro kapag natapos na ang kaso at hindi na siya ganu’n kaabala sa trabaho, maaaring magpakaseryoso na raw siya sa pag-ibig.

Abangan n’yo sa Startalk ang interview namin kay Katrina at meron ding exclusive interview si Ricky Lo kay Hayden Kho.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articlePokwang, palaban sa TV host na nang-ookray sa kanya!
Next articlePara pagtakpan ang relasyon kay Ruffa Gutierrez: John Lloyd Cruz, ginagamit lang si Shaina Magdayao?

No posts to display