Katrina Halili, naaawa kay Hayden Kho! – Ruben Marasigan

Kagagaling lang sa hearing ni Katrina Halili when we had the chance to interview her again sa kanyang bahay sa may New Manila, Quezon City nitong Martes. At mukha namang kampante siya sa patuloy na pag-usad ng kasong isinampa niya laban kay Hayden Kho hinggil sa kumalat na sex video nila sa internet. Hindi umano siya mapapagod at magsasawang dumalo sa mga isinasagawang pagdinig dito.

“Nag-a-attend ako lagi ng hearing para ipakita naman na talagang desido po ako na ituloy ang kaso,” aniya nga. “And natutuwa naman ako na nandiyan pa rin lahat ng mga taong sumusuporta sa akin simula pa nang umpisa ng laban kong ito.

“Happy rin ako sa patuloy na ibinibigay na support ng GMA-7. Hindi ako nababakante sa trabaho. Super-happy ako na after Rosalinda, nasa Darna naman ako.”

Natanggalan na ng lisesnsiya sa pagka-doktor si Hayden. Hanggang saan ba ang gusto niyang mangyaring kaparusahan para sa binata?

“Uhm… ‘yon nga – malaman po niya na nagkasala siya. Magsisi po siya. Tapos… sana naman kahit papano ano… maparusahan naman po siya sa ginawa niya.”

Ano bang parusa ang sa palagay niya’y nararapat para kay Hayden? “Makulong po siya. Para sa akin, kulang pa po ‘yong natanggalan siya ng lisensiya. Kulang pa ‘yon.”

Aware ba siya sa balitang lumabas recently na nagtangka itong magpakamatay sa pamamagitan ng drug overdose at nakita siyang halos mag-agaw-buhay na sa isang pinyahan sa Cavite? “Narinig ko po ‘yon. Pero ayoko po munang mag-comment kasi hindi po kami puwedeng magsalita. Kasi may kaso po kami.”

Ikinatutuwa ba niya ‘yong diumano’y suicidal attempt na iyon ni Hayden? “Hindi po. Sobrang naaawa na ako. Alam n’yo ‘yon? Pero…. hay naku! Huwag na lang… hindi na lang po ako magku-comment.”

Si Vicki Belo, may bagong lalaki nang idini-date.  Ano’ng masasabi niya about it? “No comment!” Nangiting maikling tugon na lang ni Katrina.

Kailan naman kaya siya magkakaron din ng panibagong pag-ibig? “Naku, mahirap po ‘yan. Ha-ha-ha!  Right now, wala rin po akong manliligaw.”

Natakot ba siya sa mga lalaki dahil sa nangyari? “Baka sila ang natakot! Ha-ha-ha!” Pagbibiro ng aktres.

“Basta wala muna pong ganyan. Kasi… ‘di ba? Trabaho na lang po muna. Si Kris (Lawrence, ex boyfriend niya), okey naman po kami.  Magkaibigan kami.  Sinusuportahan niya ako. Ayoko po muna ng karelasyon.”

So… close pa rin sila ni Kris? “Opo. Pumupunta pa rin siya sa bahay. Special pa rin po siya sa akin. Kasi nandiyan po siya.  Parating nandiyan at sinusuportahan niya ako. Opo. Nandiyan lang. And willing lang maghintay. Happy na ako ro’n.”

May posibilidad bang magkabalikan sila?

“May chance kung maghihintay siya. Ha-ha-ha! Basta ako… kapag may tiyaga, puwede, ‘di ba? Bahala na po. Pero sa ngayon wala po muna akong interes sa lovelife. Hindi muna sa ngayon.”

Sabi nga, she had learned her lessons sa nangyari.  Ano ba ‘yong pinaka-importanteng aral na nakuha niya out of it?

“Ano… huwag nga sanang magtitiwala basta-basta kung kani-kanino. And… satingin ko naman, ‘yong pinagdaanan ko… siyempre bata, ‘di ba? Alam mo ‘yon? Lahat naman po tayo nagkakamali rin naman.”

Si Maricar Reyes na gaya niya ay naeskandalo nang husto, ngayon ay artista na rin at maganda ang takbo ng career.  Anong masasabi niya hinggil dito?

“Happy naman po ako na hindi siya pinapabayaan ng network niya. At least nakakapag-move on din siya. Ako, hindi ko pa man masabing fully-revoverd na ako, mas tumibay ang loob ko ngayon. Ang dami kong hinarap, ‘di ba? Ang dami ko pang hinaharap at haharapin pa. Lahat ‘yon nalampasan ko at lalampasan ko pa. At ‘yong maraming taong sumuporta sa akin ang nagpatibay ng loob ko talaga.”

Nakakaranas pa rin ba siya ng disturbance and sleepless nights? “Sa ngayon medyo nababawasan na rin naman ng konti.  Hindi na po masyado. Nakatulong po nang malaki ang pagpapaka-busy ko sa work.”

Tuluy-tuloy na raw ang pagla-lie-low niya sa pagpapa-sexy. “Kasi meron nga akong ipinaglalaban ngayon tapos magpapa-sexy pa rin ako? I-divert ko na lang sa pagiging serious actress. Na sa tingin ko naman ay kakayanin kong gawin,” panghuling naging pahayag na lang ni Katrina.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

9 thoughts on “Katrina Halili, naaawa kay Hayden Kho! – Ruben Marasigan

  1. dapat manahimik na si katrina, tama lahat ang mga comments sa taas. Nasiyahan naman siya with hayden ah, kaya dapat quits na. at saka ang mga tao sawa na sa issue. Dapat bumalik na sa hospital or clinic si hayden para dun ako mag-pacheck-up. Naku gagaling agad ako pag siya ang doktor.

  2. BUTI NGA MAY VIDEO nga eh –katibayan ng pagka-makati niya!Bakeeet pa feeling virgin siya? Oh Pleaaaseee lang noh? Kung ilang taon ang pagsuspinde ang lisensya ni Duktor Manyak, ganuon din dapat kay Makati Halingling sa GMA7. May endorsement pa ba siya?–siguro sa karatula ng Victoria Court sa Avenida.

  3. I don’t want to judge people but Katrina Halili must know that she had sexual relatioship with Hayden Kho willingly, she was not forced to do it nor was raped. First of all she knows that Hayden already has a girlfriend, but still dated him. Then the sex video circulated in the internet and she cried like an unwilling victim as if she was an
    innocent girl lured to porn sex, but she was not. She
    participated in sex with her own freewill, she knew what
    she was doing. I can’t understand politicians such as
    ‘Bong Revilla’ who publicly condemned Hayden and
    offered help to Katrina. Bong Revilla must not forget
    himself as a ‘womanizer’. Before he condemns people
    he must look at himself first. We live in a hypocrite
    society.

    • Oh yes sex with consent pero hindi na dapat nag video pa si Hayden Psycho. Consequence yon ng kapraningan ni Hayden so tanggapin nya.

  4. nakakasuka pagmumukha ni katrina….laging sinasabi,bata kasi ako…. sus ,ang tanda tanda mo na nga eh….bata ka jan!!…..ang landi mo nga eh……galit na galit ka lang kasi naisahan ka ni hayden manyakis….kulang pa din karma sayo bruha!!!……iisa lang patutunguhan niyo ni hayden manyak, sa impyerno!!!!..pare pareho lang kayo, !!…..tuloy niyo kantutan niyo sa impyerno!!!…..

  5. buhay pa pala ang pokpok nagmamakaawa siguro sa gma na bigyan ng work! maiinis na naman ang mga viewers nila pag nakita ang pagmumukha ni krista i mean ni katrina tsuk! as if naman walang kang naging kasalanan sa ibang tao napaka selfish ng babaeng to! remember the married guy from palawan na naka relasyon mo din? buti na lang kumalas bago pa mahuli ng misis niya!

    • natawa naman ako sa iyo day!
      oo nga itong retokada na ito eh sya rin naman nang ahas kay lola belo dapat magbayad din sya…di marunong magpatawad kala mo sya eh hindi pokpok.

Leave a Reply

Your email address will not be published.