Katrina Halili, muling hinarap sina Hayden Kho at Dra. Belo sa korte!

PARANG HINDI naman kapani-paniwala ‘yang mga naglalabasang isyu kay Marian Rivera dahil wala naman sa hitsura niyang ganu’n siya.

Ang sabi, nagpakasal na raw rati sa Arabo, meron na raw anak at itong huling isinulat ni Swarding, meron na raw anak na itinatago sa Proj. 8 at gusto na raw layasan ng kasambahay.

Bongga naman ang kasambahay na ito. Gusto lang lumayas sa amo niya, ipaparadyo pa. Bakit?

Sabi pa ng ibang detractors ni Marian, wala na raw itong career. Bakit pa nila pinagkaabalahang pag-usapan at imbentuhan ng kung anu-anong isyu?

Ayaw na ngang pansinin ni Marian ito dahil sabi nga niya, nu’ng nag-guest siya sa Showbiz Central, nagsalita na ang mga taong malalapit sa kanya para pabulaanan ang mga kumakalat na balita. Kaya tama na raw ‘yun at hindi na niya papansinin ang mga kung anu-anong paninira sa kanya.

May pelikula pa naman sila ngayon ni Dingdong Dantes na You To Me Are Everything at isinasabay pa ang mga ganitong bad publicity. Pero palagay ko, makatutulong pa iyan.

Si Dingdong nga ang unang nagri-react sa mga ganu’ng paninira kay Marian at sinasabi niyang siya ang haharap sa mga ‘yun kung hindi naman nila mapatunayang totoo ang mga inilalabas nilang paninira.

Nakatakdang umalis ang magkasintahan pa-Amerika para sa series of concert nila sa Amerika at Canada. Ano na naman kayang isyung maglabasan laban sa kanila?

BONGGA SI HAYDEN Kho, huh! Love talaga ni Dra. Victoria Belo dahil dumating ito sa hearing ni Hayden nu’ng nakaraang Lunes ng umaga.

Si Katrina, ang abogado lang niya ang kasama. Pero si Hayden, bongga ang suporta. Bukod sa Mommy niya, dumating nga si Vicki para magbigay-suporta raw sa kanya.

Siyempre, touched si Hayden at inamin naman nitong nagkikita sila minsan ni Vicki kasama ang ibang kaibigan nila, at group date lang daw ‘yun.

May nagkuwento pa sa amin na madalas daw pumupunta si Vicki sa condo unit ni Hayden, pero tumatanggi naman ito.

Kuwento sa amin ng Startalk reporter namin, parang galit daw si Katrna nang lumabas ng korte, dahil siguro nakita niyang nandu’n si Vicki para kay Hayden. Sabi naman niya, hindi raw siya galit, at kalmado naman daw siya sa korte nang na-cross examine ng abogado ni Hayden.

Sa Lunes (April 26) ay ipagpapatuloy ang hearing at isasalang pa uli si Katrina, dahil hindi pa raw tapos ang cross examination.

Okay lang naman daw ito kay Katrina, dahil kailangan daw niyang ipagpatuloy ang kaso, anuman ang magiging resulta nito. Napatunayan daw niyang naipaglaban niya ang kanyang karapatan, kung saan naabuso nga raw siya ni Hayden.

Mabilisan ang trial ng kasong ito dahil gusto na rin nilang matapos na ito at malaman na kung ano ang kahihinatnan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleSa camera lang magaling: Willie Revillame, ‘di tumutupad sa pangako!
Next articlePremiere Shots: Dingdong and Marian’s ‘Everything’

No posts to display