Katrina Halili, mobbed by fans

NAPAKASAYA NG MGA tao sa Amana Water Park noong Sabado ng gabi despite the heavy rains.

Weird na nga talaga ang season dahil sa gitna ng summer, halos mala-bagyo kung bumuhos ang ulan at humampas ang hangin. Pero binalewala iyon ng mga nagpunta sa naturang biggest resort ngayon sa Pilipinas, dahil ‘pinainit’ nga ng mga PDA scholars na sina Hansen Nichols, Liezl Garcia, Miguel Mendoza at Laarni Lozada ang kanilang paliligo sa 13-wave pool.

Kami ang nag-host ng event at nakakalokang sa gitna ng ulan, talagang hindi umalis ang mga tao.

Grabe rin ang naging pagtanggap kay Katrina Halili. Napakaseksi nito sa kanyang kasuotan at keri nito ang mga kantang Madonna. The fact is, literal siyang dinumog ng mga tao sa stage at game naman itong nakipagkulitan sa mga ito, lalo na siyempre du’n sa mga lalaking gusto siyang makita nang mas malapitan.

Sikat na sikat na ngayon ang Amana Water Park sa Pandi, Bulacan. Sa parehong giant networks ito madalas na napapanood at naririnig ng mga tao. Galing na du’n ang Mel and Joey, ang SIS, Umagang Kay Ganda, Studio 23, MYX, Matanglawin, at balita naming ito na rin ang napili ng Rated K, Kay Susan Tayo at maging ng isang travel show para gawing venue ng kanilang shoot.

ON OUR WAY to Amana, nadaanan namin ang farm ni kaibigang Cesar Montano.

Bigla kaming napa-flashback sa ilang mga kaganapan du’n including na ang kontrobersiyal na Brazilian model na na-link dati sa aktor-host.

Tumawa na lang si Buboy nang tawagan namin ito habang binabaybay namin ang daan. “Kahapon lang ay magkasama pa tayo,” ang tsika nito sa amin referring to our visit sa set ng The Singing Bee last Friday evening.

Papasok na kasi sa third season ang naturang game show na nagpatingkad ng karir ni Buboy bilang isang TV host, at dahil feeling suwerte kami (everytime na magbagong season, timing ang dalaw namin, hahahaha!), nagbabad nga kami sa set.

Planong tumakbo ni Buboy bilang Governor ng Bohol. Pinaghahandaan na niya ito at dahil kilala namin siyang masikap at determinado, alam naming itutuloy n’ya ito.

Hindi nga ba’t kinarir niya ang makakuha ng diploma sa kursong Mass Communication kamakailan lang? Okey naman ang buhay pampamilya niya, dahil after all the storms nila ni kapatid na Sunshine Cruz, heto at pagkit na pagkit pa rin ang kanilang pagmamahalan.

Maganda ang kanyang karir at marami pa rin siyang pangarap gaya ng maidirek ang ilang Hollywood stars.

“’Yung mga isyu ng pambabae, hindi mawawala iyan. Kahit saan tayo pumunta, susunod at ikakabit sa atin ang mga ganyan. Ang importante, ang pagtitiwala at respeto. At iyan ang lagi kong pinatutunayan,” ang hirit ng aming kaibigan.

by Ambet Nabus

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.