Katrina Halili, may malaking tampo sa Siyete?!

KUMPIRMADONG WALA NA sa poder ni Tita Becky Aguila si Angel Locsin. Ayon sa aktres, naging maganda naman daw ang pag-uusap nila ng dating manager kung saan ay sinabi pa sa kanyang “goodluck”. Base sa balita, hindi si Boy Abunda at lalong hindi si Malou Santos ang bagong manager ng aktres kundi si Manay Ethel Ramos na manager ni Aga Mulach.

Ayon sa tsika, hindi raw nahirapan si Angel sa “request” nitong aalis na siya sa poder ni Tita Becky dahil noon pa man ay nararamdaman na ni Tita Becky ang plano ni Angel. “Si Tita Becky pa. ‘Pag ayaw mo sa kanya hindi ka niya pipilitin dahil matino ang pagkatao niyan at may isang salita,” pahayag naman iyon ng isang taong malapit kay Miss Aguila.

Samantlala, matapos na umalis ni Angel sa poder ni Tita Becky, mukhang susunod na si Valarie Concepcion na pumirma na ng bagong kontrata sa Viva. “Actually hindi naman ako aalis kay Tita Becky. Actually, kasama ko pa nga siya nu’ng pumirma ako ng kontrata. Kasi sa kontrata na pinirmahan ko bale manager ko pa rin siya.” Co-manager for short, na ang ibig sabihin ay hindi lang si Tita Becky ang manager ni Valerie.
SUMAKABILANG BUHAY ANG lola ni Katrina Halili na si Maria Dolores Chavez Llanes na dalawang araw na ibinurol sa Dulce Funeral Service sa may Abad Santos, Tondo, Manila. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay “deadma” si Katrina ng channel 7.

Ni bulaklak ay hindi siya pinadalhan o hindi man lang nagpadala ng “condolence” sa aktres sa pagkamatay ng pinakamamahal nitong lola.Ayon sa isang taong malapit kay Katrina, hindi na “bago” ang pangde-deadma ng Siyete sa sexy actress dahil sa maraming panahon at pagkakataon, hindi naman naramdaman diumano ni Katrina ang pagpapahalaga sa kanya ng nasabing TV network.

“My God nu’ng pumutok ang sex scandal, ‘di ba sila ‘yung unang-unang naglabas ng news. Hindi ko sila bini-blame pero sana naman, prinuteksiyunan nila si Katrina na tulad ng ginawa ng channel 2 kay Maricar Reyes. Hindi namin pinagsisihan ang aming ginawa, pero sana naman tulungan nila sa pakikipaglaban si Katrina. Hindi ‘yung lahat na lang ng mga project na ibinibigay nila ay puro nakahubad si Katrina, like ‘yung sa Darna. Alam nila na may pinagdadaanan ang bata pero ano ang ginawa nila, binigyan ng role na nakahubad din, halos wala siyang damit sa role niyang Serpentina, ‘di ba?” Sabi sa amin ng isang kaibigan ni Katrina.

Ayaw magbigay-komento ng aming source kung lilipat na si Katrina sa Dos, pero aminado ito na “pinagkakaitan” ng Siyete ang kanyang kaibigan ng mga magagandang oportunidad. Sa kabilang banda, “deadma” lang si Katrina nang tanungin namin kung masama ang loob niya dahil hindi man lang siya naalaala ng Siyete sa panahon ng kanyang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang lola.

“Okey lang po sa akin iyon. Ang importante ay kaya ko pa ring harapin ang mga nagiging problema ko,” sey ni Katrina.

Sabi ni Katrina, “may lakas” pa rin siyang natitira kahit sabihin pang halos lagpas na sa leeg ang pangangailangan niyang financial, dahil almost P700 thousand din ang naubos niya ng mga panahong nasa hospital pa si Aling Dolores.

“Totoo, dati balak ko na talagang ibenta ang bahay ko sa New Manila dahil kulang na kulang ang kinikita ko. Buti na lang may isang kaibigan na nagmagandang loob sa akin at hindi niya kinuha sa akin ang bahay. Instead, pinautang niya ako ng 500 thousand at malaking bagay iyon para sa akin.”

Malaki ang paniniwala ni Katrina na ang lahat ng mga pagsubok na kanyang kinakaharap ngayon ay buong giting niya iyong malalagpasan at mapagtatagumpayan.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

16 thoughts on “Katrina Halili, may malaking tampo sa Siyete?!

  1. MALIWANAG NA KARMA YAN. MASYADO KASING NAG PA MEDIA,KINAWAWA SI KHO, E PAREHO NAMAN NILA GINUSTO YON, INAGAW NIYA KAY VICKY BELO. NOW MASAYA NA SIYA DAHIL KINANSELA NA PAGKADOCTOR. UNLIKE MARICAR TAHIMIK LANG. JUST SEE,.. SEXY STAR SI KATRINA, PROFESSIONAL NA DOCTOR SI MARICAR, YAN ANG DIFFERENCE. NOW, LOOKS LIKE ISINUSUKA NA SIYA NG GMA7? TAPOS LILIPAD SA 2? WOW!! KAPAL TALAGA (…TRY WILLIE REVILLAME.)

  2. hoy, mga vakla! tigilan ninyo ang kalalait sa akin! mas grabe pa nga pinaggagawa nyo sa kama kesa sa akin! ndi nga lang kau na-video! mga inggitera! palibhasa ang papanget nyo! bwa hahaha

  3. alam ba ni katrina na naka video sya? kaya nga may apat na wall sa isang room para ma protektahan ang kahit konting privacy mo lalo na nga ang projection mo sa industry ay medyo sexy nang konti.

    nakipag sex ka pero hindi ibig sabihin ay ikabubuhay mo na eto, nagka boyfriend ano ang aasahan mo mag bibilang kayo ng butiki sa kisame.

    given na boyfriend sya ni belo, malay mo kung sinabihan ni hayden na laro lang yung sa kanila ni belo.. at pinangakuan ng langit ang katrina.. ikaw ba naman doctor ang sumusuyo sayo kahit sino ay ma tetemp na sagutin si hayden.

    hindi yung kakatihan ni katrina ang issue kundi yung pag violate ni hayden ng kanyang pagkababae, syempre ikaw ba naman ang kainin ng keps talagang tirik to the max ang iyong mata. pero kung ano ang nangyari sana sa apat na wall ng room na yun dapat dun lang yon.

    kaya tumigil na nga kayo sa pag alipusta kay halinghing, di pa ba sapat yun na habang may monitor sa computer, may tv screen ay pagdudusahan nya habang buhay ang kanyang di sinasadyang pagkakamali. hindi pa ba sapat yun para sa inyo.

  4. nagpaparing si katrina as usual paawa effect ang BAKLA!

    nagdadrama na naman para may pumirata sa kanya pero walang nagkakainteres para kunin sya! bumalik ka sa palawan at magbenta ng laman dyan ka naman magaling!

    ehos lang yan ng baklang halinghing at ng kaibgan nya. yun naman ang gusto nya devah ang maghubad kunwari pa ayaw nya! char!

  5. owkie ….liit ba ng kinita nya sa darna??

    3yrs na income sa kapuso eh im sure 1yr lang na income ng mga kapamilya stars sa dos …well we’ll support you if you going to transfer to abs-cbn ..and gudluck if mag.stay kasa GMA .

  6. i love you, KATRINA. don;t worry malalampasan mo rin ang lahat ng yan.. i;m still your # 1 fan kahit san ka pumunta. kahit lumipat ka ng dos susuportahan pa rin kita. kasi naman yang 7 nakakainis naman..dapat inaalagaan ka nila ehh..isa ka sa mga big star ngayon sa generasyon ngayon tapos ganun. hay pag pray kita sa panginoon na more proj to come. at IKAW ANG BIDA at hindi puro KONTRABIDA nanaman!..

  7. naaawa naman ako kay katrina. ganyan ba ang kapuso? in fairness sa chan 2, napaangat pa nila si maricar reyes and ang galing nila mag handle ng image nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.