Katrina Halili, matapang na hinarap ang pagbubuntis!

MARAMI ANG pumuri kay Katrina Halili sa pag-amin sa kanyang pagbubuntis. May mga ilang bumatikos at nanghusga agad na mawawalan na raw ito ng career, pero feeling ko hindi naman dahil nagparating naman ng suporta sa kanya ang GMA-7.

Ang dinig ko, hintayin lang daw matapos ang panganganak ni Katrina at aayusin uli ang kontrata nito.

Makababalik pa iyang si Katrina dahil ang dami naman diyan na nakapanganak na’t lahat, ang dami pang pinagdaanan pero nandiyan pa rin at lalo pang bumongga ang career, ‘di ba?

Perfect example diyan si Jennylyn Mercado na lalong gumanda ang career basta naging totoo ka lang.

Kaya masaya nga ngayon si Katrina at nakikita naman naming kuntento na ngayon sa kalagayan niya.

Ang susunod namang magsalita ay ang nakabuntis sa kanya na si Kris Lawrence.

Tahimik pa ito sa ngayon dahil madalas ay out of town ito. Pero magsasalita na raw ito sa Showbiz Central sa susunod na Linggo kaya tingnan na lang natin kung ano ang sasabihin niya.

Dapat na sagutin niya ang sinasabi ng iba na mukhang hindi naman daw siya masaya sa pagbubuntis ni Katrina. Parang nabigla lang daw ito dahil wala naman sa plano nila ito.

Sa totoo lang, nabigla rin si Katrina dahil marami naman siyang ginagawa at hindi pa ito handa sa pagbubuntis niya. Pero hinarap niya ito nang maayos at pinanindigan niya, kaya  masaya siya ngayon at pinuri siya.

Sa totoo lang, marami ngang nanlait kay Kris, kung bakit daw nagtitiyaga sa kanya si Katrina. Pero nagmamahalan sila eh, kaya nagbunga na nga.

Tingin ko diyan, hindi naman matutuloy sa kasalan ‘yan. Pero hindi naman siguro tatalikuran ni Kris ang responsibilidad niya sa ipinagbubuntis ni Katrina.

 

LUMABAS NA rin pala sa Startalk si Prince Stefan na pansamantalang nawala dahil sa isyung kabadingan na kinasangkutan niya. Inamin naman niyang sobrang nalungkot siya sa mga intrigang kinasangkutan niya kaya umalis muna siya sandali.

Ilang buwan siyang nagbakasyon sa Amerika, pero nakakapagraket naman daw siya du’n kahit papaano.

Kaya lang ang tsismis, nagpa-kasal daw siya roon sa isang mayamang bading na matagal na raw niyang karelasyon.  Itinanggi ito ni Prince at hindi raw totoong bading siya at may dyowang ba-ding.

May mga kaibigan lang daw siyang mga bading na medyo nag-layuan na nga raw sa kanya dahil sa natsitsismis ito sa kanya. Pati ang pagka-link kay Toffee Calma ay sinagot din niya na hindi raw talaga totoo kundi kaibigan lang niya.

Gusto na sana ni Prince na bumalik sa pag-aartista at sana mabigyan daw siya ng isa pang pagkakataon.

Sana tapusin na raw ang isyung kabadingan sa kanya dahil gusto na niyang mag-concentrate sa pag-aartista.

Ang gusto nga niyang makatrabaho uli ay si Lovi Poe na dati niyang ka-loveteam. Sikat na sikat na raw ngayon si Lovi, kaya gusto raw sana niyang makasama ito sa isang project.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

7 thoughts on “Katrina Halili, matapang na hinarap ang pagbubuntis!

  1. Matapang na hinarap…aray ko po!… Pati ang pagKangKang niya na wala sa oras ginagawang pagka-martyr??? Naku mahiyahiya siya sa mga kabataan– WAG NA WAG TULARAN! Malapit ng mawalan ng trabaho sa siete– tumawag na lang siya kay Mel Tiangco “Kapuso Foundation” para sa ambag.

  2. Good to know that all that she’s been through he found kris to make her complete 

  3. Happy for her. Kitang kita ang glow sa mga mata nya, ganda ng aua nya pati attitude.  Looks so happy sa kalagayan nya. Finally may kakampi na cya thru thick and thin.  Unlike rhian “abortionista” ramos. Puro pakangkang ang alam tapos papaabort lang. Keep it up katrina halili, u deserve all the happiness in the world. Afer the nightmare, pambawi na to.  And really admire you  for your honesty.

  4. be ready lang Katrina sa mga bad ..bastos comments ng ibang reader dito like they been uttering V/S Jennylyn mercado.Congrats and be strong.Its good hindi mo pi na abort like that starlet actress from GMA pina abort ang dinadala.