Katrina Halili Lambasted By Own Manager

MASAYA AT BONGGA ang Summer Rush event ng Nivea na ginawa sa Albay Bicol, sa Misibi Bay. Dumating sina Jomari Yllana, Maxene Magalona, Bubbles Paraiso, Jeremy Marquez at marami pang iba.

Ang team nina Enie Lopez ang nanalo sa games sa naturang event. Bukod sa kasayahan ay talaga namang bumaha ang pagkain at drinks. “Actually, dapat kasama ko si Andrey dito, kaya lang, late na nang sabihin ko sa organizer, kaya naiwan siya sa Manila,” sey ni Jomari.

Ayon pa kay Jom, tuloy na tuloy na ang teleser-yeng pagsasamahan nila ni Aiko Melendez sa Dos, ang Atom. “Parang kuwento ito tungkol sa robot. Nabasa na namin ang story, at okay naman,” aniya.

Sinabi rin ni Jom na wala na sa isipan nila ni Aiko na magkabalikan pa kahit sabihin pang break na ang huli kay Mayor Patrick Meneses. “Mas masaya kami ni Aiko sa ganito. Actually, tatlong taon na pala akong walang lovelife since nung mawala yung sa amin ni Pops Fernandez,” tumatawang sabi pa ni Jom. “Pero hindi ako nagmamadaling magkaroon ng girlfriend. Kung may darating, sige.”

IKINALOKA NAMAN NAMIN ang ginawa nina Georgina Wilson at Borgy Manotoc sa naturang event. Dapat sana ay kasama ang dalawa sa mga artistang maglalaro, pero ayon sa dalawa na-delay ang kanilang eroplano, kaya tapos na ang sportsfest nang dumating sila na ipinagtaas ng aming kilay.

Sa totoo lang, kung ginusto nina Borgy at Georgina na maglaro, maaga silang makakarating sa Albay, pero sa halip na makiisa sa event, para bang may sariling mundo ang dalawa. Nagkulong lang sila sa kuwarto at 6 pm na nang lumabas! Akala kaya nina Borgy at Georgina ay cute sila sa ginawa nila? Tse!

HINDI NAMIN ALAM kung ano ang pinagmulan ng away nang mag-manager at magkaibigang Omar Ortijar at Katrina Halili, pero nang mabasa namin ang Facebook ni Omar, nagulat kami dahil hindi namin sukat akalaing bibirahin nito nang ganoon ang dating alaga to think na mahal na mahal niya ito.

Hindi kami super close kay Omar, pero malaki ang aming paniniwala na napuno na ito sa aktres at sa ibang tao na nakapaligid sa dalaga. At kung anuman ang mga salitang binitiwan nito sa kanyang Facebook at Twitter, normal lang ang kanyang maramdaman at sabihin dahil alam naman nating lahat kung paanong inalagaan at pinrotektahan ni Omar si Katrina.

Isa lang ang masasabi namin sa away nina Omar at Katrina, siguradong wala sa kanilang mananalo dahil ang nasira  ay ang kanilang friendship na matagal nilang inalagaan dahil sa kapabayaan ni Katrina.

Si Katrina ang klase ng aktres, na sa totoo lang, hindi alam kung sino talaga ang tunay na nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Sa totoo lang, ‘no!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

10 thoughts on “Katrina Halili Lambasted By Own Manager

  1. I think its time for ms. katrina to look for another career or enhanced her acting skills so that she could land a very meaty role seems like her showbiz stature has been dwindling down. Or better ask for Senator Bong Revilla’s help to boost her looming career.

  2. La naman karer etong Kateng Katena na toh kung de lang nga lumabas ung vedeo eh de sya makekelala hanggang Apare hanggang Jolow. D ba Kres Lorence?

  3. hay naku… KATi Katrena HAlele… tumigil ka na kasi ..  bad influence at example ka sa mga dyogets…  kasi naman pumatol ka kay hidden kho kahit alam mo sila pa ni Dra. Vecky, anong klaseng dalaga ka naman? ang kapal ng fez mo… tapos nung na e vedio ka.. mega cry ka pa sa senado… eh paano ka nga ba na vedio.. panu ka napunta duon kung hindi ka naman talagang malantod… ay naku sa mga kaposo bakit ba hindi nyo pa tsugiin yang kati Katrena pang Halili na yan… very bad girl… yun lang … babsung! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.