Katrina Halili, kapansin-pansin ang paglusog!

KAPANSIN-PANSIN ANG biglaang paglusog ni Katrina Halili sa programang My Beloved, kung saan importante ang kanyang ginagampanang papel. Kahit sa mga mall shows ng palabas ay very visible pa rin ang sexy actress.

Ayon sa nakalap naming impormasyon, naghihintay lamang ng magandang tiyempo ang kampo ni Katrina para ibulgar ang kanyang tunay na kalagayan. May kaha-haka na ang longtime boyfriend nitong si Kris Lawrence ang ama ng kanyang dinadala.

Kung sakali mang totoo ang tsikang ito, mukhang kailangan nang umalis ni Katrina sa My Beloved lalo na’t nahahalata na ang paglaki ng kanyang katawan. Isa na rin itong magandang blessing kung sakali at kampante kami na magiging proud pa ito sa bagong role bilang isang ina.

 

Coco Martin at Alessandra De Rossi, magsasanib-puwersa sa pelikula!

 

MISS N’YO na ba ang tambalang Coco Martin at Alessandra de Rossi mula sa dating teleserye ng Dos na Tayong Dalawa?

Huwag na kayong magdamdam dahil nakatakdang magbalik-indie ang dalawang versatile stars na ito sa upcoming Cinemalaya film na Santa Nina. Ito ay mula sa direksyon ni Emmanuel Q. Palo.

Kinumpirma ni Alex sa isang interview na kasadung-kasado na ang reunion project nila ni Coco. Lumalabas sa magkatapat na programa ang dating magka-loveteam: si Coco ang bidang lalaki sa Walang Hanggan ng ABS-CBN habang si Alessandra naman ang gumaganap bilang malditang pilya sa Legacy ng GMA.

Dapat ang mga tambalang ganito ang sinusuportahan!

 

Roxanne Guinoo, pasok sa Valiente!

 

NAGBABALIK-SHOWBIZ NAMAN ang ex-Kapamilya turned Kapatid actress na si Roxanne Guinoo.

Pasok sa Valiente ang dating SCQ Questor. Ito ang nagsisilbing comeback teleserye ni Roxanne matapos nitong manganak at mag-concentrate sa pagi-ging isang asawa at ina. Nakatakda nitong makapareha si Oyo Boy Sotto.

Isa si Roxanne noon sa mga young actresses na naglakas-loob na magpa-seksi para mabigyan ng magandang break sa bakuran ng Dos. Nabuntis ito ng kanyang non-showbiz boyfriend at tuluyan nang nagpakasal noong nakaraang taon.

Welcome back to the super magulo pero masayang mundo ng showbiz, Rox!
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Katrina Halili, kapansin-pansin ang paglusog!

  1. lumulusog siya kasi sa  kakakain ng tamoddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddd

Leave a Reply

Your email address will not be published.