Katrina Halili, inililigtas na si Hayden Kho?!

HINDI NA AKO nakadalo sa cremation ni Douglas nu’ng nakaraang Sabado dahil nasa Startalk ako nu’n.

Sa loob ng isang linggong pinaglamayan si Douglas, maraming nagkabati at talagang pinatunayan nitong peacemaker siya. Lahat naman ng nagmamahal kay Douglas na may mga kaaway, pinagbigyan siya dahil alam naman nilang gusto ni Dougs na magkabati silang lahat at hindi na nag-aaway.

Sa misa mismo nu’ng araw ng cremation ni Douglas, hindi inaasahang nagkabati sina Anabelle Rama at Jo-Ann Maglipon ng PEP.

May mga dalang payong at pamaypay na Zorro si Anabelle at ipinamigay niya ito sa mga dumalo roon. Kuwento ni Bisaya, lahat daw binigyan niya, alangan namang lagpasan niya si Jo-Ann kaya binigyan raw niya ito at sinabihang, “Ayan baka mainitan ka mamaya, gamitin mo ang payong at pamaypay na Zorro.”

Nabigla raw si Jo-Ann, hindi na siya nakaimik dahil kinantiyawan na siya ni Gelli na katabi niya.

Sabi naman ni Bisaya, nu’ng nabubuhay pa si Douglas, ‘yun daw ang ipinakikiusap sa kanya lagi, na makipagbati na kay Jo-Ann dahil malapit ito sa kanya. Alam daw niyang masaya na ngayon si Douglas, pero wala naman daw itong kinalaman sa kasong isinampa ni Richard Gutierrez laban kay Jo-Ann at sa iba pang taga-PEP. Kung ano man daw ang resulta ng kasong ‘yun, bahala na at wala raw itong kinalaman sa pagbibigay niya ng payong at pamaypay kay Jo-Ann.

Ang dami ngang nagkabati roon sa burol ni Douglas at sana nga tuluy-tuloy na ang pag-aayos nila. Lalo na itong kina Anabelle at Jo-Ann, pati na rin ang kina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro.

Pagkatapos ng cremation nu’ng Sabado, napagdesisyunan ng pamilya ni Douglas na dadalhin ang abo nito sa tahanan nila sa Antipolo at sa resthouse niya sa Lucban, Quezon.

Sa 40th day ni Douglas na tamang-tama namang birthday niya, roon na raw nila ito ililibing sa Loyola Memorial Park.

Pero sabi naman ni Richard Gomez sa interview sa kanya sa Startalk, ang isa raw sa napagdesisyunan nila ay hahati-hatiin nila ang abo ni Douglas. Magpaparte raw sila kahit konti sa lahat na mga alaga nito at ang iba ay sa bahay nito sa Lucban. Pero depende pa rin iyan sa mga pamilya ni Douglas.

NALOKA ANG MGA staff ng Startalk nang biglang naglitanya ako sa Alok Bati ko na na-disappoint ako sa ginawa ni Katrina Halili na pati si Dra. Belo ay kinasuhan niya ng medical malpractice at gusto pa niyang ipasara ang Belo Medical Group.

Kasi naman, ang may kasalanan dito ay si Hayden at ‘yun ang dapat matanggalan ng lisensya.

Bakit sali-saliwa na ang isyu at hindi na nakatutok sa sex video? Ngayon pati ang Belo Medical Group ay pinag-initan pa ni Katrina at ng mga abugado niya.

Nakalimutan yata ni Katrina na siya ang may kasalanan kay Vicki, dahil siya naman ang naunang nang-agaw ng boyfriend ng iba. Kaya dapat na mapagsabihan ito at maklaro sa kanya, na sa sex video na kagagawan ni Hayden dapat siya naka-concentrate at hindi kay Vicki.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

13 thoughts on “Katrina Halili, inililigtas na si Hayden Kho?!

  1. hi mis marian, san mo nman napanood ung video nilang dlawa ulit. ung last nilang video wala na ndi na mapanod deleted na din.reply ka nmn skin.

  2. dapat talagang i-urong na ni Katrina yung demanda kasi meron pagn kasunod na sex video at dito kitang-kita yung putok ng tamod ni Hayden sa mukha niya he he he heh

  3. naku ano ba yan, so pag binawi ni katrina ang demanda sa belo eh ok na ulit sau si katrina..doble kara ka day

  4. makapal pagmumukha ni Katrina.After nyang pakinabangan ang Belo idedemanda pa nya ngayon.Kung hindi dahil sa kalandian nya hindi sya makukunan ng video.Yan ang karma sa mga katulad nyang ahas at walang utang na loob.

  5. dapat si Lolit Solis ang makantot sa puwet ni Hayden kaso inalok ko na nga ng 50 million pesos ( papel pamunas ng pwet ng taga States) at absuwelto sa kaso niya eh ayaw talaga di bale na raw siyang makulong at maging super mahirap basta ‘wag lang daw niyang kantutin si LOLIT SOLIS.

  6. Kung pano aAgawin ni fEdra (katrina) si fErnando jose (geof) ay yan ang pakakaAbAngan. May nagsasaBing magsasayaw c katrina ng cArelesS whisPer at whoala..,mapapasakamay na nya c fErnando j0se..

  7. Haay LOLIT SOLIS umaariba ka na naman sa kaplastikan mo. Ngayon kay Katrina ka na disappointed. Noon mo pa alam na si katrina may kasalan dahil pumatol sya kay Hayden kahit alam nya na si Vicki Belo jowa nito at endorser pa sya. Pero binabanggit mo ba yan noon? Di ba’t kapuri puri mo si Katrina. Bakit ngayon iba na ihip ng hangin sayo? mabaho na. Di mo ba nakikita sarili mo LOLIT? ginugulo mo mga tao. Nangangapa ka ngayon kung sino mananalo o matatalo at dun ka kakampi. Pati pulso ng publiko pinapakiramdaman mo. Well.. Wala ka talagang kredibilidad. Kala mo naman may naniniwala sa yo? Wala lang magawa mga tao kundi pagtyagaan ka na lang kasi nasa TV ka e. But your words are not reliable. WE just watch you for fun. Also attention of GMA 7, Hello wag nyo munang ilabas si Katrina . Public eyes are not ready to see her yet because of the scandal. Not now.. please..

  8. kung suportado ng 7 si katrina sana at pls lang dapat concern kayo sa viewers nyo ch7. may mga plano na either sa darna or rosalinda si katrina, UTANG NA LOOB big bosses of channel 7 mga bata ang manonood ng darna anung ihimplo ang isang katrina sa kabataan ang pagsayaw nya ng careless whisper.

  9. ito lang yata ang nasabi ni lolit na tama, pero di ba at isa sya sa advisers ni katrina? kaloka na talaga si katrina, di na sya nakakatuwa at lalong di nakakasimpatya mga pinaggagawa nya, sya na nga nang agaw at nanloko ke vicki sya pa ngayon ang me ganang magalit!?

  10. correct. bakit idedemanda ni katrina ang belo med eh kinuha pa siyang endorser ng flawless ngayon which is partly owned also by belo?! nakakaasar na si katrina.

Leave a Reply

Your email address will not be published.