Katrina Halili, gusto pa ring makulong si Hayden Kho!- Alex Brosas

TALAGA PALANG GUSTONG makulong ni Katrina Halili si Dr. Hayden Kho.

Determinado ang aktres na i-pursue ang kaso laban kay Hayden na kamakailan lang ay tinanggalan na ng lisensiya ng Philippine Regulation Commission.

“Hindi po ako bibitiw sa kaso,” sabi ni Katrina na gumaganap na Serpina sa Book 2 ng Darna.

“Gusto ko pong makulong siya. Una, malaman niya na nagkasala siya. Tanggapin niya sa sarili niya na mali siya. Pangalawa, mawalan siya ng lisensiya. Pangatlo, makulong po siya,” pahayag ng dalaga na halatang may matindi pa ring galit kay Hayden dahil sa kahihiyang kanyang tinamo dulot ng sex video nilang dalawa.

Nakahanda naman si Katrina na patawarin si Hayden sa isang kondisyon.

“Patatawarin po pero kailangan tanggapin niya po muna ang lahat ng pagkakasala niya.”

Ang kaso, si Hayden daw, mukhang hindi tanggap na nagkasala siya kay Katrina.

“Hindi niya po alam? Siguro po mangmang siya. Siguro po basahin niya po ang Yes magazine interview niya na nasabi niya na noon pa man gumagawa na siya ng sex video, ‘di ba, nag-aaral pa lang siya noon? Huwag niya po akong ituro. Mangmang siya. Mangmang o nagmamaang-maangan!”

Sabi pa ng dalaga, hindi siya manahimik para na rin sa kapakanan ng iba pang nabiktima ni Hayden.

“Ayoko pong hindi magsalita, kasi ayoko na po itong maulit. Hindi naman po ako lumalaban para sa sarili ko. Lumalaban ako para sa iba pang nabiktima niya at bibiktimahin pa niya. Para hindi na po ito maulit. Para madala na rin ang mga taong gumawa ng ganito, kaya ako na lang ang humarap.”

Noong una pala, ayaw ni Katrina na tanggapin ang role na Valentina sa Darna. “Kasi, sobrang fresh na fresh pa ang issue noon. “Kaya ko nang paghiwalayin ang personal na buhay ko sa ngayon. Kasi before, noong tinanong ninyo ako, sobrang fresh pa ang issue,” she explained.

Noong kasagsagan kasi ng sex video scandal nila ni Hayden ay tinawag na “ahas” si Katrina dahil inahas nito ang dyowa ni Dra. Vicki Belo.

WALA SA MUKHA ng bagets na aktor na ito na may masama siyang bisyo. Mala-anghel kasi ang kanyang kainosentihan at parang siya ang tipo na hindi gagawa ng isang bagay na maaaring makasira sa kanya.

Pero, sa likod ng mala-anghel na mukha ng bagets ay naroon ang kanyang kakaibang bisyo. Mahilig siyang mag-marijuana.

Kahit saan daw ay may bitbit na marijuana ang young actor. Maging sa taping or sa shooting ay may dala siya nito. Kadalasan, hindi lang siya kundi pati ang ilan niyang kabigang aktor ang nagdya-jamming or nagpa-pot session.

Sa shooting nga ng kanyang latest movie, hindi pinaligtas ng aktor ang pagkakataon na sundin ang kanyang bisyo. Wala raw pakialam ang aktor na nagkukulong sa kanyang van kapag break para humithit ng marijuana.

Ang dalawang kasamang young actor ang nagturo raw sa bagets na humithit ng marijuana.

Aware kaya ang young actress-girlfriend ng aktor na may bisyo ang dyowa niya? Hindi kaya magkahiwalay sila uli kapag nalaman niya ito?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

15 thoughts on “Katrina Halili, gusto pa ring makulong si Hayden Kho!- Alex Brosas

  1. Ahahay
    tama ka
    iba dyan walang common sense sinisisi si katrina ang pagkakamali ni katrina nagpauto pabola k hayden daming nabiktima ni hayden dapat lang makulong para matakot na mga manyak na nag sex video na walang consent

  2. buti nalang nawalan ng lisensiya si hayden manyak.kakahiya ka pinakita mopa sa camera ang TT mo maliit di mo muna pinaretoki pinalaki TT mo bago mo pagyabang sa video. congrats katrina goodwork.magiging lesson na ito sa mga manyak tulad ni hayden sa pag video ng walang consent

  3. Kahit ano pa ang sabihin ng iba diyan. kung walang kumuha ng video ng sex act nila ni Katrina, walang video na lalabas. The sex act itself is a natural thing, dalawang adults sila who consented to the act (so walang sisihan sa pagtatalik nila), pero sa video, mayroon (because normal people do not record on video their sex acts), only people who are exhibitionists do it (and Hayden is clearly one, remeber; it was not only Katrina who was victimized by this wrongdoings of Hayden). Que malandi, que pokpok, que mahinhin ang isang babae, she does not deserve that kind of betreyal and the humiliation brought by the irresponsibility of a guy who she entrusted herself with. Hopefully, huwag mangyari sa inyo (o sa mga taong mahal ninyo) ang nangyari kay Katrina, para hindi ninyo maranasan ang sakit at kahihiyan na naranasan niya. Matuto sana kayo to symphatize and emphatize with people.

    • Ikaw lang ata ang eng eng eh. Di mo man lang hatulan nang walang bias. Walang kinalaman ang “bait” ni Katrina sa ginagawa niya. Ang pinag-uusapan ay ang pag-ako niya ng kanyang responsibilidad sa gulo na nangyari sa buhay niya at di lang puro “karapatan” niya. Di mo ba narinig ang saying na “with rights come responsibility”?

      Siyanga pala, kaibigan mo ba siyang matalik kaya alam mong mabait siya? O bali-balita mo lang sa mga press release nya?

  4. Oh please. Si Birheng Katrina akala mo naman walang kasala-sala. It takes two, girl, so give it up. Umako ka rin sa responsibilidad mo. Hindi rin malamang nagustuhan ni Hayden na lumabas ang mga sex video at mapahiya, kaya pareho lang kayo.

  5. nagkasala ka rin naman kaya mas matindi naman siguro ang galit ni vicky belo sayo dahil sa pagtratraidor mo sa kanya! pokpok ka kasi kahit pamilyadong tao nilalandi at hinahabol mo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.