Katrina Halili eyeing nose surgery

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

OLA CHIKA! KASAMA na nga sa ‘Walk of Fame’ ang Master Rapper ng bansa na si Francis Magalona. NU’ng buhay pa nga ang King of rap, ibinulong ito at sinabi kay Kuya Germs (Moreno) ang kung kailan niya makikita ang kanyang pangalan sa ‘Walk of Fame’.

Pararangalan ng Malacañang ang namayapang Master Rapper, dahil sa kanyang pagmamahal sa ating banasa at ipinagmamalaki nito ang lahi ng bansang Pilipinas.

Marami ang nagmamahal kay Francis, sa loon at labas ng showbiz. Sa mga kantang pinasikat niya, maraming kabataan ang nangarap na sundan ang kanyang yapak at ang ilan nga ay buong tapang na nagsabing ipagpapatuloy nila ang kung anumang nasimulan ng King of Rap ng bansa.

Buong tapang na sinuong ni Francis M. ang hamon ng buhay at nilabanan ang sakit na leukemia. Ngunit sa hirap ng dinadalang sakit, tuluyan nang sumuko ang katawan ng Master rapper.

Kilala si Francis bilang mapagmahal na asawa, anak, ama, kapatid, at kaibigan.Ddinagsa ng mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz ang kanyang burol, at nakiisa at nakiramay sa naiwan niyang pamilya. Maging ang kanyang mga tagahangang nagmula pa sa malalayong lugar, hindi ininda ang init ng araw para lamang makita ang mga labi ng TV host/ actor/ singer.

Matatag at matapang ang asawa ni Francis na si Pia Arroyo, dahil sa burol ng asawa, hindi man lang ito nakitang umiyak, ngunti ipinaramdam nito ang pagmamahal sa asawa at mga anak.

IPAPAGAWA UMANO NG sexy actress na si Katrina Halili ang natabingi niyang ilong, huh! Napapansin nga raw ng karamihan na hindi na umaayos sa dati nitong posisyon ang ilong ng sexy actress, kaya as soon as possible, ipagagawa na niya ito.

Ngunti hindi na raw kay Dra. Vicki Belo, o kay Hayden Kho ipaaayos ni Katrina ang natabinging ilong, kundi sa mahigpit na kalaban ng dalawa sa pagpapaganda, kay Dr. Manny Calayan, huh!

ILANG ARAW NA lang at magpi-premiere night na ang pelikula ni Rosanna Roces, ang Pasang Krus, kung saan malaking sakripisyo ang dinanas ng aktres sa nasabing pelikula.
Puno ng aral, pagmamahal, at pagmamalasakit sa anak, pamilya at kaibigan ang Pasang Krus. Kasama rito sina Ketchup Eusebio, Empress Schuck, Joross Gamboa, Christian Burke, at BJ Morales. Gagawin ang premiere night sa SM Megamall sa March 30, at regular showing sa April 1. ‘Yun na!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.