Katrina Halili, excited nang mag-labor!

KABUWANAN NA ng panganganak ni Katrina Halili sa first baby nila ni Kris Lawrence na isang babae at ang ipapangalan nila ay Katrence.

Nakahanda na siya sa panganganak at excited na rin sa inaasahang pagle-labor. Alam na rin ni Katrina ang pagdaraanang proseso lalo na kapag nakaramdam na siya ng contraction. Binigyan na rin siya ng instruction ng kanyang OB-Gyne para maging safe ang kanyang delivery.

Sa St. Luke’s, Quezon City siya manganganak  na ilang metro lang ang layo sa kanilang tahanan sa New Manila. Normal delivery ang gusto niyang paraan at sinabihan ang kanyang doctor na huwag siyang bibigyan ng anesthesia habang nanganganak, unless na hindi na niya kaya.

Naka-base ang ama ng isisilang ni Katrina sa Tate pero imbes na sa America siya magsilang ng sanggol ay mas ginusto niya na sa bansa natin siya magsilang ng first baby.

Nakatakda naman daw dumating ang mga magulang ni Kris sa binyag ng kanilang baby na posibleng maganap sa unang Linggo ng January 2013.

Kung walang magiging aberya, magiging dobleng selebrasyon ang magaganap sa January dahil bukod sa binyagan ng kanilang baby ni Kris ay birthday rin ni Katrina sa January 4.

Samantalang pagsilang ng kanyang first baby, ‘di muna raw siya kukuha ng makatutulong dahil gusto niyang siya mismo ang mag-aaruga sa anak at nakahanda na rin siya magpa-breast feed sa baby.

Lumaki nga raw ang size ng boobs niya. Ang dating 34-cap B sukat ng kanyang boobs ay naglalaro sa size 38-39-cap C. Pagdating naman sa set-up nila ni Kris para sa pag-aalaga ng kanilang first baby, dadalaw-dalawin daw ng boyfriend ang bata. Itinanggi ni Katrina na nagli-live-in na sila ni Kris. Pumupunta lang daw ito sa kanilang tahanan para i-check ang kanyang kalagayan at alagaan siya.

Kinumpirma ni Katrina na isa sa magiging ninang sa binyag ni Katrence, si Marian Rivera. Bago raw siya nag-last taping sa pinakahuling serye nila ni Marian ay kinausap na raw niya ito para maging ninang ng kanyang first baby.

Ang iba pang kukuning ninang at ninong ni Katrina sa binyag ni Katrence ay sina Cristine Reyes, Jennylyn Mercado at Mark Herras. Makukumpleto na lang daw ang listahan bago maganap ang binyag ng kanyang baby sa first Sunday, January 2013.

 

HUMARAP SA press sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo kahapon sa Cravings resto sa Quezon City para sa nalalapit nilang movie na The Mistress na dinirek ni Olivia Lamasan under Star Cinema.

Paniniguro nina John Lloyd at Bea na marami ang magugulat sa mga pinaggagawa nila sa movie, lalo sa kanilang maiinit na love scene at kissing scene.

Ang ikinagulat naman ng press ay nang ipakita at ipalabas ang trailer ng The Mistress, kung saan ay may kissing scene din sina Bea at Ronaldo Valdez, take note, sa lips at matagal.

Si Bea kasi ang lumalabas na mistress ni Ronaldo at si John Lloyd ang biglang magpapagulo sa isip ni Bea dahil mahuhulog din ang loob niya rito.

Anyway, pagkatapos ng launching ng kanilang movie na nakatakdang ilabas sa mga sinehan sa September 12, pinagkaguluhan ng press sina Lloydie at Bea para usisain sa kanilang muling pagtatambal after 10 long years nang sila ay unang gumawa ng pelikula sa Star Cinema rin.

Naungkat ang kanilang maiinit na romansahan. Ask kung mayroon magseselos kapag napanood ang kanilang romansahan?

“Ako wala!” pagdidiin ni Bea. “Alam na kasi ni Zanjoe (Marudo – boyfriend ni Bea) na may love scene kami ni John (Lloyd Cruz).”

Baling naman ni Bea kay Lloydie kung sa kanya raw ba ay may magre-react?

“Wala! Trabaho ito,” maikling tugon ni Lloydie at sabay sabi na, “Parang alam ko na kung saan patungo itong interview natin. May right time para diyan. Now, pag-usapan natin muna itong movie namin ni Bea kung maaari,” pagputol ni Lloydie sa dapat na isyu sanang dapat niyang sagutin. Anyway, kung pagbabasehan ang trailer ng movie, masasabi namin na isa na naman itong blockbuster movie ng taon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

3 thoughts on “Katrina Halili, excited nang mag-labor!

  1. Naku pooo Katrina…huwag mong gawing NInang si CR…baka mag-mana sa kanya ang anak.mo.at masampal ka rin nang anak mo…tulad nang pag-sampal niya sa Nanay niya… matakot ka…napakasamang anak niyang si CR.  

  2. xcited na sya kasi pakantot nanaman sya ulit..nangangati nanaman ang puke nitong pokpok na ito..papatol nanaman ito kahit kanino, malande ka kasing pokpok ka

  3. Duon ka mag labor sa Intramuros sa Department of Labor.. Isama mo si Hayden ko.. Tutal anak nya naman yan eh.

Leave a Reply

Your email address will not be published.