Katrina Halili, ‘di na naghahanap ng boyfriend

Katrina-Halili-John-FontanillaHAPPY BEING single daw ang magaling na actress at blooming na si Katrina Halili at hindi naghahanap ng magiging bagong boyfriend o makasasama sa buhay.
Tsika nga ni Katrina, “Wala akong lovelife, sa anak ko lang nakabuhos ang pagmamahal at oras ko. Kung dati, lagi akong naghahanap ng magiging boyfriend at makasasama, ngayon hindi na. Hinihintay ko na lang na may dumating sa akin.
“Pero this time, sisiguraduhin kong siya na talaga na pangmatagalan o makasasama ko at ng anak ko sa pagtanda. Sa ngayon wala pang dumarating. Pero okey lang sa akin ‘yun, kasi nandito naman ang anak ko.
“Bukod sa sunud-sunod ‘yung trabahong ginagawa ko. Kaya nga nagpapasalamat ako, unang-una kay Lord, pangalawa sa GMA 7, kasi binibigyan nila ako ng magagandang proyekto,” pagtatapos ni Katrina.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleRia Atayde, threat sa ibang Kapamilya teen actress
Next articleIna Raymundo, handa pa ring maghubad kahit 5 na ang anak

No posts to display