Katrina Halili, caught drunk with Kris Lawrence

SA ISANG INTERBYU ng kolumnista ng Pinoy Parazzi na si Chit Ramos sa sexy actress na si Katrina Halili, nabanggit ng huli na ayaw raw niyang ungkat-ungkatin na kaya lang nababanggit ang pangalan ng singer na si Kris Lawrence ay dahil lang sa kanya. Hindi pa nga rin kasi natatapos ang bulung-bulungan na may ugnayan pa rin sa isa’t isa ang sexy actress at ang singer.

Nasabi pa nga ng dating Starstruck Avenger at two-time FHM sexiest woman na, “…we hardly saw each other… nadamay siya sa plano kong lumayo muna sa tukso, sa mga lalaki.”

At sa kasagsagan nga ng eskandalo kina Katrina at Dr. Hayden Kho, nakasagap din tayo ng balitang hiwalay na nga sina Katrina at Kris.

Pero nito Abril 4, bandang alas-4 ng madaling-araw, naispatan ng ating kamerang-gala si Katrina sa White Avenue Bar sa Tomas Morato, Q.C., kasama ang ilang kaibigan. Ayon sa mga lente ng ating kamerang-gala, masayang-masayang naman daw na gumigimik itong si Katrina. At mukhang nag-enjoy nang husto, dahil nasobrahan na yata sa kalasingan. Pulang-pula na nga raw ang kutis-porselana ng sexy actress.

Mukha naman daw walang inaalala itong si Katrina kung malasing man siya nang husto, dahil naroon din pala’t umaalalay sa kanya si Kris! Corrected by! Magkasama nga sina Katrina at Kris ng gabing iyon, hanggang madaling-araw, huh!

Ang tanong nga lang ng ating mga kaparazzi, nagkabalikan na ba sina Katrina at Kris? Eh, teka… naghiwalay nga ba? Hay, naku! Sight n’yo na lang mga pics na ito, at kayo na ang humusga. ‘Yun na!

PHOTOS BY YOMEN

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.