Katrina Halili, buntis?!

SI KATRINA Halili ang natsitsismis na buntis ngayon.

Ang tsika, mawawala na raw ang character ni Katrina sa soap opera nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Mahahalata na raw kasi ang kanyang tiyan in the next few weeks.

Ang kumakalat na tsismis, ang singer na dating dyowa ni Katrina ang nakabuntis sa kanya.

Magsalita na kaya si Katrina sa kanyang kalagayan? At aminin din kaya niya kung sino ang nakabuntis sa kanya?

PARANG HINDI feel ni Pia Guanio si Gwen Zamora.

Sa interview niya sa aktres at sa iba pang cast ng movie nito, magaspang na ipinakita ni Pia ang kanyang disgust kay Gwen.

When Pia asked the director of the movie kung paano niya na-discover si Gwen, humirit siya ng ganito pagkatapos nitong magkuwento, “And you were disappointed by your choice?” She was obviously referring to Gwen.

At nang tanungin ni Pia si Gwen what it was like to shoot the movie, nagtaray na naman ito nang pasimple. Nang sasagutin na kasi ito ni Gwen using the English language, ang Pia biglang nagmahadera at sinabihan ang aktres na “puwede mo nang Tagalugin”.

Ano ba naman itong mga ta-lent ng Siyete parang nagkakalat. Noong una si Arnold Clavio, nagtaray sa mga Azkals when they discussed sexual harassment sa isang episode ng early morning show nila.

At ngayon ay ‘eto namang si Pia ang tila nagmamaldita at nagmamaganda.

MASYADONG HINYPE ng TV5 ang TV guesting ni BB. Gandanghari.

Kaya lang, mukhang wala namang gaanong interest ang na-generate ng interview nito kay Mariel Rodriguez. Masyado raw kasing pinaikut-ikot ni BB ang kanyang mga sagot at hindi diretsong inamin kung totoong nagpa-sex transplant na siya.

Totoo nga kayang may nakalaang show si BB sa Singko kaya pumayag siyang doon magpa-inter-view. Kung tutuusin, mas malawak na coverage sana ang nakuha niya kung sa ABS-CBN siya nagpa-interview.

Anyway, may babalikan pa kayang career si BB sa local showbiz? Kung sabagay, mukhang may something new to offer naman

ang drama niya.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleKasiyahang Nauwi sa Rambulan Dahil sa Makitid na Daan!
Next articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 43 March 21 – 22, 2012 Out Now!

No posts to display