Katrina Halili: Back with Vengeance!

ISA SI Katrina Halili sa mga babaeng artista ngayon na maituturing na ‘true survivor’. Alam na natin lahat ang mga unos na pinagdaanan ng Kapuso star at nalagpasan niya ang lahat ng ito. With a loving partner and a little angel beside her, masasabi natin na ‘at peace’ na ang maganda at seksing aktres.
Nag-umpisa si Katrina Halili bilang isa sa finalists ng Starstruck Batch 1. Kahit hindi ito nakapasok sa Final 4, lumitaw pa rin ang x factor nito kaya hindi ito nabakante ng trabaho sa Siyete. Madalas na sexy-kontrabida roles ang natotoka sa kanya. Ang pagiging ‘Black Darna’ ang naging hudyat para mapansin siya ng iba’t ibang producers at publishers. Before you know it, siya na ang tinitingalang sexiest woman ng Pilipinas!
Dumating din sa punto na nagbida ito sa ilang pelikula at teleseryes. Nayanig ang mundo ni Katrina dahil sa isang iskandalo, pero hindi ito nagpatinag sa kanegahan.
Last year ay ipinanganak ni Katrina Halili ang baby girl na si Katie. Malapit na itong mag-celebrate ng ika-1 kaarawan. Masasabi na successful ang kanyang showbiz comeback dahil ipinasok siya sa fantaseryeng Indio early this year bilang Burigadang Pada Sinaklang Bulawan, isa sa mga kontrabidang dyosa.
Muling patutunayan ni Katrina Halili na siya ang Primera Kontrabida ng GMA-7 sa pamamagitan ng upcoming afternoon series na Magkano ang Pag-Ibig, kung saan gagampanan niya ang papel na Margot Villasanta, ang babaeng mang-aapi sa karakter na gagampanan naman ni Ms. Heart Evangelista.
Katrina Halili is back with vengeance… at hindi na kami makapaghintay!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.