Katrina Halili, ayaw nang rumampa sa 2016 FHM event

Katrina Halili

Katrina Halili

Wala na raw balak pang rumampa pa ngayong taon ni Katrina Halili na ilang beses ding naging FHM’s No.1 Most Sexiest Woman.
Ayon nga kay Katrina Halili, “Hindi na kaya ng katawan ko. Sila na, marami na sila roon. Hindi na nila ako kailangan doon!”
Hayaan na lang daw sa mga mas bata sa kanya at hindi pa nakararanas rumampa sa bonggang event ng FHM.
Sa ngayon daw kasi, ang kanyang anak at ang acting career ang mga prio­rity ni Katrina dahil sa kakaibang fulfillment ng pagiging isang ina.
Masuwerte nga raw ito dahil tuluy-tuloy ang kanyang trabaho sa Kapuso Network, kung saan kasama ito sa bagong handog na teleserye ng GMA 7, ang “Sa Piling ni Ina” na pinagbibidahan nila ng kanyang mga co-Starstruck alumni na sina Mark Herras at Yasmien Kurdi.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.