Katrina Halili, ayaw nang ma-in love?!

AFTER MUNTING Heredera, by January next year, ay regular na namang mapapanood sa telebisyon si Katrina Halili. Ito ay sa pinakabagong primetime series ng GMA-7 na My Beloved, kung saan ka-love triangle siya ni Rhian Ramos (si Rhian Ramos pa ba? – ed) kay Dingdong Dantes.

May pagka-kontrabida ang kanyang role dito. Bakit nga ba tila napako na siya sa gano’ng papel kahit nakapagbida na rin siya dati?

“Hindi ko nga po alam, eh. Bakit kaya?” Natawang biro ni Katrina nang makakuwetuhan namin recently.

Okey lang na puro kontrabida ang character na natotoka sa kanya?

“Wala naman po yata akong choice, eh. ‘Di ba?” sabay tawa ng young actress.

Pero gusto niyang magbida ulit?

“Bakit naman hindi? Sino ba ang ayaw magbida, ‘di ba?”

Palapit na ang Holiday Season. Ano ang plano niya this Christmas?

“Dito lang po ako sa bahay. Tapos baka by January or February po, uuwi ako sa Palawan (sa El Nido kung saan nakabase ang kanyang pamilya). Tingin ko, magi-ging masaya naman ang Pasko ko. Wala naman po akong dapat na ikalungkot, ‘di  ba?” nangiti niyang sabi.

May lovelife ba siya ngayon?

“Wala. Matagal na pong wala.”

Anong nakakapigil para ma-inlove siyang muli?

“Wala po. Busy lang po. Wala talaga akong time sa lovelife ngayon, eh. Kailangan ko ng time sa sarili ko sa ngayon,” natawa ulit siya.

Pero may mga manliligaw naman sigurong umaali-aligid sa kanya right now?

“Wala rin. Eh, wala naman po kasi akong time lumabas at mag-entertain. Hindi po ako gumigimik. Sa bahay lang talaga. Ginagawa ko ngayon ‘yong mga ibang bagay na gusto kong gawin. Gaya ng… nag-aaral ako ngayon. Nag-aaral ako ng meat processing. Wala lang. Gusto ko lang. Kasi kapag nasa bahay ako, luto ako nang luto ng kung anu-ano. Eh, nagugustuhan naman ng mga kasambahay ko. Kaya naisip ko, mag-aral nga kaya ako ng meat processing kasi gusto kong gumawa ng mga processed meat.”

And then papasukin niya ang processed meat business?

“Puwede rin po. Para makatulong naman ako sa mga pinsan ko. Etchos!” natawang ending na nasabi si Katrina.

NANGITI SI Allan K nang matanong namin kamakailan tungkol sa pagkaka-link ni Vic Sotto ngayon kay Pauleen Luna.  Nakakasama kasi niya ang mga ito Monday to Saturday sa Eat Bulaga kaya for sure ay may alam siya.

“What you see is what you get,” mabilis na sagot niya. “Ah, kung ano ang nakikita n’yong sweetness sa kanila, iyon na ‘yon.”

May something special na sa pagitan nina Vic at Pauleen?

“I hope magkaroon para masaya!”

Excited si Allan sa nalalapit niyang birthday concert sa Zirkoh-Timog this coming December 16 and 17. Ang title nito, Big Day Ni AK: The Birthday Show.

Aniya pa, maganda raw na birthday gift ang pagkakapanalo niya bilang Best Male Variety Show Host sa nakaraang PMPC Star Awards For Television.

“I’ve been hosting for 17 years na. At ‘yong pananalo ko, parang crowning glory for me sa 17 years na itinagal ng hosting career ko. Mas may pressure na ngayon. Hindi ka puwedeng la-lousy-lousy habang naghu-host! Ha-ha-ha! Kaya kahit na malat, kahit na may sipon, kahit nangu-ngongo, energy dapat.”

Ano naman ang magandang idinulot sa kanya ng napanalunang best Male Variety Show Host?

“Ah, parang sabi ko noong araw, wala na akong dreams. Isa pala ito. No’ng manalo ako, ay, ito pala iyon! Dati kapag tinatanong ako, anong gusto mong birthday gift? Anong gusto mong Christmas present? Ang sinasagot ko, hindi ko alam. Kasi meron na naman ako lahat. Hindi naman sa mayamang-mayaman ako. Pero kahit na anong sabihin mo, meron ako. Lahat ng gusto ko, nabili ko na. Tapos no’ng narinig kong nanalo ako, ito na. May ganito pala na hindi nabibili. Ito pala ‘yon na hindi nabibili,” nakangiti pero tila gustong maluhang sabi pa ni Allan.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleSolenn Heussaff, Taken na!
Next articleMga naging babae ni Bossing, bubuwelta? Pia at Pauleen, pinagkukumpara

No posts to display