Katrina Halili and Hayden Kho video scandal, spreads around the internet

‘DI BA PARANG ka-cheapan na itong hindi pa rin natatapos ang isyu nina Katrina Halili at Dr. Hayden Kho?

Naglabasan na ngayon ang video nila na may sensual dancing at Careless Whisper pa raw ang tugtog. ‘Di ba napaka-careless bakit naipalabas ito sa internet?

Nakakaawa na ang kalagayan ni Katrina dahil siya ang sinira dito nang husto.

Sabi nga niya, pinagdusahan na niya ang kasalanang nagawa niya pagkatapos niyang aminin ang namagitan sa kanila ni Hayden, hanggang ngayon pinagdusahan pa rin niya.

Hanggang kalian daw ba niya ito pagdurusahan? Eh, ang kasalanan nga raw niya nagmahal lang siya sa maling tao.

Ang alam ko meron pang ibang video, at maaaring lumabas na naman iyan sa YouTube. Ang sinisisi ni Hayden, ang dating kaibigan na siya raw nagkalat nito.

Bakit naman isinisisi pa sa iba? Eh, siya ang nagkuha niyan at ipinakita at binigay pa yata sa mga kaibigan. Talagang ipinagmamalaki niya ang perversion na ginawa niya.

Kaya wala akong ibang maisip na bagay na itawag sa kanya kundi Dr Manyak! Kamanyakan na ‘yan, eh! Dapat matigil na iyan at ewan ko ba bakit nakipagbalikan pa si Vicki sa kanya? Ang latest na narinig ko, balak pa raw siyang ipagpatayo ng sarili niyang clinic. Diyos ko, day! Kung may anak akong babae, bakit ko naman ipagkakatiwala na sa kanya magpatingin.

Umalis yata silang dalawa pa-Japan, kaya tiyak na magri-react na naman ang mga anak ni Vicki kapag nakarating ito sa kanila.

Sabi nga ni Direk Quark Henares, lagi raw niyang ipinagdarasal na sana hindi totoo ang balitang nagkabalikan sila. Baka violent na ang reaksiyon ng mga anak nito kapag makumpirma nilang nagkabalikan na ang dalawa.

Sa ngayon, apektado nang husto si Katrina sa nangyari dahil may mga bagong endorsement pa naman siya.

Baka magsalita ito sa Startalk sa darating na Sabado para ilabas ang saloobin niya sa hindi pa rin matapus-tapos na isyung ito.

HINDI KAYA GIMMICK lang itong nawawala si Jennylyn?

Hindi na nga sinipot ang guesting niya sa Startalk, pati ang pocket presscon niya para sa concert at ang huli itong SOP, kung saan pinaghandaan pa naman daw nang husto nila ang birthday segment nito at ang promo para sa concert niya.

Ang dinig ko, nasa taping naman daw ito ng Paano Ba Ang Mangarap? nu’ng Lunes at magri-rehearse din ito para sa concert niya bukas.

Nagpa-interview na yata ito sa ilang reporters para ipaliwanag bakit siya nawala.

Hindi kaya may kinalaman ito sa concert nila o kung totoo mang nag-away raw sila ni Becky Aguila?

Tingnan na lang natin bukas kung ano ang drama niya sa concert nito na gaganapin sa Music Museum bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Katrina Halili and Hayden Kho video scandal, spreads around the internet

  1. wahaha.pagta2nggol p ni lolit solis c katrina eh kitang kita n tlgang pok pok cia! may syota pna2lan! kslanan nya yan! palay na ang lumapit sa manok!?tama b?wahahahahaha!!!!

  2. grabe pokpok na pokpok ang dating ni katrina ah, then what happened next? lolit solis katrina deserved that look naman oh, hindi tanga ang taong makakapanood nyan yuck katrina malandi!

  3. katrina burekat!!!!….. haydAn,..kaluod nimo dong,mura kag abnormal…. yuck!!!…. di ka na nahiya????….

  4. iba ka tlga kat sssssssssss dapat matakot ang ibang girlz kung maka work nia ung mga bf nila mahirap na diba bka ma inlove na2man sya ulit sa may sabit …dapat lng na pagbayaran nia ung ginawa nia kc di magandang halimba nho….kaya MAGDUSA KA!!!!!!!!haahaaaaahaaa

Leave a Reply

Your email address will not be published.