Katorse ni Erich Gonzales, kelan nga ba manganganak?

ILANG BESES NANG naglabas ng teaser ang ABS-CBN na kesyo malapit na raw ipalabas ang TV version ng Katorse. Ang Star Circle Quest Batch II Grand Winner na si Erich Gonzales ang napiling humalili sa papel na minsang ginampanan ni Dina Bonnevie. Sina Ejay Falcon at Xian Lim naman ang magpapaibig sa kanya.

Kamakailan lang, naglabas na naman ng bagong teaser para sa programa at muli na naman itong natigil. Nagpa-presscon din daw para kay Erich ang ABS-CBN pero hindi pa rin tiyak kung kailan talaga ang final airing date nito. Hindi rin tiyak kung ito nga ba ay pang-primetime o ilalagay ba sa hapon. Naku ha, baka mamaya ma-shelved na naman ang proyektong ito tulad ng nangyari sa Anna Liza at Moonriver ni Maja Salvador. Ok lang kung matulad ito sa Eva Fonda ni Cristine Reyes na originally ay July 2008 ipalalabas, pero naurong hanggang December. Worth the wait naman ang sexy-drama na iyon dahil nominated si Cristine ngayon bilang Best Actress sa Seoul.

Maraming tagahanga na rin ang naiinip sa kung kailan ba talaga ipanganganak sa telebisyon ang Katorse? Para kasi itong sanggol na malapit nang mai-ire (mai-ere! Haha) pero biglang nagba-backout. Baka sa kakaurong-sulong diyan, mawalan na ng interes ang tao. Sayang naman ang pag-build-up kay Erich. Magaling pa man ding umarte ito at tunay nga namang kaakit-akit kahit may pagkamahinhin ang dating niya sa TV. Konting hasa na lang at puwedeng-puwede na rin siyang bigyan ng launching movie ng Star Cinema.

Kung meron mang ikinawo-worry ang ibang mga tagahanga ni Erich, ito ay ang kanyang dalawang leading man. Mapapantayan kaya nina Ejay at Xian ang expectations ng mga Kapamilya viewers? Erich, anong mase-sey mo rito?!

Para sa mga katanungan at komento, mag-email lamang sa pinoyfansclub@gmail.com. Bisitahin din kami sa http://www.pinoyfansclub.com.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.