Katorse, Hinalay ng Senglot na Manyak

AGAD NADAKIP ng mga tauhan ng PNP ang isang senglot na lalaki na umano’y responsable sa panggagahasa sa isang  14-anyos, at sa pananakit sa kapatid nito sa Brgy. Tigbe, Norzagaray, Bulacan.

Sa ulat na tinanggap ni P/ Supt. Dale Soliva, kinilala ang nadakip na suspek na si Ramil Rabacar, 40 anyos, biyudo, residente sa nabangit na barangay; samantalang ang mga biktima naman ay itinago sa pangalang Joa, at kuya nito na si Rico, 15 anyos.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente ng panghahalay sa biktima at pananakit sa kuya nito.

Nabatid na bigla na lamang pumasok ng kanilang bahay ang umano’y lasing na suspek diretso sa kuwarto ng dalagita, kung saan siya pinagsamantalahan.

Kung saan nakita ito ng kuya dahilan upang kumprontahin ang suspek subalit hinataw ito ng kahoy mula sa niyog.

Matapos ito’y mabilis na tumakas ang suspek, subalit agad na nakahingi ng tulong ang binatilyo sa mga nagrorondang barangay tanod at pulis dahilan upang agad na madakip ang suspek.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Norzagaray Municipal Jail sa kasong Rape in relation to RA7610 at Physical Injuries.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.