Katiwalian sa sped meycauayan

0932518xxxx – Mr. Tulfo, pakikalampag naman po iyong mga namumuno sa SPED Meycauayan dahil iyong pondo na dapat ay para sa mga special child ay nakukurakot. Ultimo pampagawa ng ID ng mga bata ay ibinubulsa. Alam po kaya ng mga kinauukulan ang hocus pocus na ginagawa ng mga tauhan nila? Sana po ay matulu-ngan ninyo kami. Salamat.

 

0918208xxsxx – Sir, isa po akong concerned citizen dito sa may Barangay Kristong Hari ng Quezon City. Nais ko lang po sanang ireklamo ang sobrang traffic na nangyayari rito sa aming lugar dahil sa ginawang pagsara sa isang daanan sa Barangay Kalusugan na ginawang sabungan. Sobra po kaming nahihirapan dito dahil sa traffic. Salamat po at more power po sa inyong lahat.

 

0932669xxxx – Sir Raffy, pakiimbestigahan naman po ang lugar namin dito sa Marilao dahil may pitong street sweeper na sumasahod sa munisipyo pero lilima lang ang aktuwal na nagtatrabahong tagalinis dito. Iyong dalawang sumasahod ay may ibang nakikinabang, sa pagkakaalam ko po ay dalawang opisyal ng barangay. Sana po ay maimbestigahan ninyo ito. Salamat po.

 

0907372xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po ang nangyari sa akin noong Biyernes bandang 12 ng hatinggabi. May mga pulis na nangongotong sa may checkpoint sa España Blvd. malapit sa may riles ng tren. Hindi ko po nakuha ang body number ng mobile car nila at PS-4 lang ang nabasa ko. May pulis na na-ngongotong sa akin dahil sa violation ko. Noong una ang sabi ay P1,500 daw ang violation ko, hindi ako kumibo, tapos ang sabi ay maaabala pa ako kung titiketan niya ako. Alam ko pong kotong ang habol niya kaya inabutan ko ng isang daan piso. Sinabi niyang walang magagawa ang P100 dapat gawin kong P500. Sinabi kong wala talaga, kaya sinabi niyang wala na tayong magagawa kundi tiketan ito. Sumakay siya sa mobile car pero hindi ako sumunod habang nag-aantay siya sa akin, sa katagalan ay muli siyang bumaba at lumapit sa akin. Ang akala ko ay papipirmahin na ako sa ticket pero tinanong niya ako kung anong mayroon at sinabi kong wala talaga, sa huli ay sinabi niyang puwede na iyong una kong inaabot.

 

0916904xxxx – Idol, pakitulungan naman po ninyo kami tungkol dito sa baha sa amin dahil sa kawalang aksyon ng barangay rito sa Meycauayan, Bulacan. Sana po ay mabigyang-pansin ninyo ang hinaing naming mga residente dito. Salamat po.

 

0922856xxxx – Sir, hihingi po sana kami ng tulong, mga taga-Southville 1 po kami sa Cabuyao, Laguna. Pakikalampag naman po ang munisipyo namin lalo na kay mayor na tulungan kaming mga taga-Southville dahil nagkakagulo rito dahil sa tatlong toda na nag-aagawan ng pasahero. Dahil sa pag-aagawan nila, kaming mga pasahero ang apektado at kadalasan ay nagkakadoble-doble ang pamasahe na nagagastos namin dahil doon. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41.

Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.