Katiwalian sa PNP Zamboanga?

 

0906434xxxx – Sir Raffy, nais ko po sanang isumbong sa inyo ang hindi patas na kalakaran dito sa amin sa Zamboanga. Para makapasok ang pangalan sa listahan at maging isang ganap na pulis ay kinakailangan lamang magbayad ng halagang dalawang daang libong piso nang walang kahirap-hirap at wala nang daraanan pang training. Sana po ay mabigyan ninyo ng pansin ito.

 

0921841xxxx – Sir Raffy nais ko po sanang idulog sa DepEd ang aking problema. Pinahihintulutan po ba ang mga eskuwelahan na hindi magbigay ng permit para mag-exam ang nursery kapag may kakulangan pa sa bayad? Napag-alaman ko sa notebook ng aking anak na hindi siya maaaring kumuha ng exam dahil sa kulang ang aking bayad ng isang libo.

 

0921595xxxx – Sir, Idol Raffy, irereklamo ko lang po ‘yung mga pulis na naka-destino sa Pasay, mga nangongotong. Bawat ikot namin dito sa Roxas Boulevard ay nagbibigay kami ng beinte pesos. Mga abusado po talaga ang mga pulis na iyan at meron pa po silang dalang baril. Bawat ikot naming mga bus at bawat pagparada sandali para idispatch siguradong beinte pesos minsan pa nga po ay singkuwenta pesos. Pati ang Pasay enforcer abusado rin. Ako po si Vitoy ng Manrose liner. Sana po ay masolusyunan ninyo ang aming problema.

 

0919402xxxx – Sir Raffy, nais ko po sanang idulog sa inyo ang talamak na bukas kotse gang ng mga kabataang paslit sa ilalim ng tulay ng Guadalupe, Edsa malapit sa lugar ng ABC stop light.

 

0909441xxxx – Sir Raffy Tulfo, gusto ko po sanang i-report at mabigyan ng aksyon ang aking natuklasan sa police station ng Las Piñas. Sa tanggapan po ng kanilang opisina ay nagkakaroon ng tawaran sa pagtubos ng lisensiya. Sana po ay mabigyan po ninyo ng solusyon ang aking problema. Maraming salamat po.

 

0917597xxxx – Sir Raffy nais ko pong ilapit sa inyo ang isang abusadong pulis sa aming lugar dito sa Purok 4, Cupang, Antipolo. Ang pulis na ito ay madalas nagpapaputok ng baril na hindi inaalintana kung mayroong tatamaan. Lubos po kaming nakikiusap na tulungan po ninyo kami sa aming problema. Salamat po at more power sa inyong show.

 

0917819xxxx – Idol, dito po sa MLKKPTPODA sa Manggahan, Pasig, napakaraming bumibiyaheng mga bata na walang lisensiya, pinapayagan po kasi ng presidente namin na si Jess Marali. Apektado na po kami na mayroong mga lisensiya. Sana po ay matulungan ninyo kami.

 

0905582xxxx – Sir Raffy, nais ko pong isumbong ang aming barangay chairman ng Loma, Biñan, Laguna sa kadahilanang kapag siya ay nasa espiritu ng alak, lumalabas ang pagkademonyo ng taong ito. Minumura ang lahat ng taong nakikita at nanunutok ng baril at nambubugbog pa. Sobrang abusado sa kapangyarihan ang opisyal na ito. Sana po ay mabigyan ninyo ng aksyon ang aming problema. Salamat po at mabuhay po kayo.

 

ANG WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41.

Ang inyong lingkod ay mapapanood Lunes-Biyernes, 5:30-6:00 pm sa TV5 sa programmang T3.

Para sa inyong mga sumbong, maaaring magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City. Maaari ring mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.