Katiwalian sa Ancar sa Manila

 

0923131xxxx – Mr. Tulfo, sana po ay matulungan ninyo kami na maipatigil na ang kotongan ng Anti-Carnapping (ANCAR) ng Marikina City. Kapag po sila nanghuhuli ay mga walang dalang paniket. At ang lahat ng kanilang nahuhuli ay dadalhin sa kanilang istasyon at doon tutubusin. Ang mahirap pa rito, napakahaba ng pila at mag-aantay ka nang matagal dahil nakikipagtawaran pa ang kanilanag mga nahuli. Sobrang katiwalian ang ginagawa ng mga taong ito. Sana po ay maturuan sila na maging patas sa lahat. More power po sa inyong programa.

 

0928413xxxx – Idol Raffy, gusto ko pong ireklamo ang mga abusadong MMDA. Sobra po silang manghuli akala mo kung sinong mga hari pero ang totoo sila ang numero unong lumalabag sa batas. Dahil ang totoo po, ang kani-lang mga ginagamit na service na motorsiklo ay hindi mga nakarehistro. Dapat po sila ang unahin ng MMDA Chairman Francis Tolentino bago ang motorlane. Kami po ay umaasa na matugunan ninyo ang aming problema. Maraming salamat po.

 

0947539xxxx – Sir Raffy Tulfo, nais ko pong isumbong ang gawain ng isang pulis na sobrang kapal ng mukha na nangongotong dito sa kahabaan ng Quezon Ave., sa babaan ng bus galing North Edsa. At ang isa pa ay ang pagpayag ng pulis na ito na magkaroon ng sugalan sa gilid ng kalye. Basta magbigay lang ng isang daang piso kada daan ay wala nang huli ang mga lumalabag sa batas. Sir, idol tulu-ngan po ninyo kaming sugpuin ang mga maling gawain ng mga ito. Salamat po at mabuhay po kayo.

 

0999161xxxx – Mr. Tulfo, ako po ay taga-Cavite, nais ko pong humingi ng tulong para sa aking asawa na kinasuhan at ikinulong ng mga pulis na wala namang kasalanan. Hiningan po kami ng P90,000.00 para sa piyansa, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila pinalalaya ang aking asawa. Nagmamakaawa po ako na tulungan ninyo kami. At sana po ay bigyan ninyo ako ng ayuda, dahil kapag po nalaman ng mga pulis na nagsumbong ako sa inyo baka po balikan kami ng mga ito. Lubhang mainit po ang sitwasyon dito sa amin kaya sana po ay tulungan ninyo ako. Mara-ming salamat po.

 

0919201xxxx – Sir Raffy, ako po si Cris ng Cupang, Muntinlupa, gusto ko pong ireklamo at isumbong ang isang sundalo dahil sa kanyang panloloko at pananakot sa akin at sa aking pamilya. Binabantaan niya ako na papatayin niya ang aking buong pamilya. Nag-aalala po ako sa seguridad ng aking mga kaanak sa probinsiya. Kayo na lang po ang naisip kong makakatulong sa akin. Maraming salamat po.

 

0946580xxxx – Sir Raffy Tulfo, isusumbong ko po ang mga empleyado ng SSS sa Antipolo. Sila po ang mga personnel interviewer doon, nais ko lamang pong kumuha ng death claim pero kapag tinanong mo sila ay palaging galit at mga bastos. Hindi po sila puwedeng makausap nang maayos. Maaari po kayong mag-verify sa kanilang tanggapan para mapatunayan po ninyo ang aking sumbong. Ang isa sa mga interviewer ay si Mr. Wigberto Borja, siya po ay palaging galit makitungo sa amin. Sana po ay mabigyan ng pansin ang mga taong ito na hindi marunong umunawa sa aming mga aplikante.

 

Ang WSR ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Kasabay na mapapanood din ito sa Aksyon TV sa free Channel 41. Channel 1 sa Cignal Cable at Channel 7 sa Destiny Cable.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.